Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa

Giving It All Away…And Getting It All Back Again

ARAW 3 NG 9

Ang Di-nakikitang Pamana

Ang mga pamanang inaasam ng ating henerasyong maipasa sa sunod na henerasyon ay hindi tumutukoy sa pera lamang. Mahalaga ang pera, at dapat tayong magpasalamat na mayroon tayong sapat na maibibigay sa ating mga anak. Ngunit ang mas malaking bahagi ng ating mga pamana ay tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita. Ito ang mga kuwento ng pamilyang dapat nating isalaysay. Ito ang mga pagpapahalagang dapat ituro ng mga kuwentong iyon. Ito ang mga pangarap at mga pagpapagal at mga panahon ng paglalaan ng Diyos na nakagawa ng isang bagay na may halaga, hindi lamang materyal na kayamanan kundi yaong mga may kahalagahang higit pa sa pera.

Ang mga hindi nakikitang katangian, hindi pera, ang nagbibigay ng tunay na halaga sa buhay. Dahil sa mga katangiang ito, maaari tayong bumuo ng isang pamanang karapat-dapat ipasa. Ang mga katangiang ipinasa sa akin ng aking pamilya ay hindi mabibili ng salapi. Hinubog nila ako na maging lalaking ako ngayon. Ang mga katangiang tulad ng katiyagaan, katapatan, at kagandahang-loob ay ilan lang mga halimbawa ng hindi nakikitang pamana na ito.

Ang kayamanan ay maaaring isang akumulasyon ng pera, ngunit ang kayamanan ay maaari ring maging mga sanggunian, ideya, kaalaman, karunungan, at iba pa. Kapag ikaw at ako ay natutong ituring ang pamana at kayamanan na higit pa sa pera, lumalawak ang ating mundo. Makikita nating marami pala tayong dapat pangasiwaan, pangalagaan.

Kung pera lang ang ipapasa natin sa sunod na henerasyon, ipinapapasan natin sa kanila ang isang nakakadurog na dalahin. Ang isang pamana na may higit na halaga ay ang kabuuan ng kung paano tayo namumuhay, ang ating mga pinaniniwalaan, at ang nilalaman ng mga mithiing nagdadala sa atin sa tagumpay. Ito ang higit na kailangan ng sunod na henerasyon mula sa atin, at ang dapat ihanda ng sunod na henerasyon na ipamana rin.

Aplikasyon: Paanong praktikal na maipapahayag ng isang henerasyon ang mga ideya at pagpapahalaga nito sa mga susunod na henerasyon?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Giving It All Away…And Getting It All Back Again

Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.

More

Nais naming pasalamatan si David Green at Zondervan sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.zondervan.com