Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa
Paglalakbay Tungo sa Pagiging Bukas-palad
Pundasyon ng anumang makabuluhang buhay at pamana ay isang pag-aasam na maging bukas-palad, isang tamang pag-unawa sa ibig sabihin ng pagiging isang pagpapala sa iba. Ang halaga ng pagbibigay sa simbahan, sa misyon, sa ibang tao ay dapat munang imodelo, at matapos ay ituro upang maangkin ng susunod na henerasyon ang pagiging bukas-palad na kanilang katawagan. Kapag sinang-ayunan ng isang tao ang isang konsepto, tulad ng pagiging bukas-palad, at angkinin ito, mas magiging madaling maunawaan ang responsibilidad na kalakip nito.
Sa sarili kong paglalakbay, natuklasan kong ang tiyempo ng pagiging bukas-palad ay nagpapakita ng iyong puso sa Diyos. Ang hakbang ng pagsulat ng tseke o pagpindot sa "magbigay" online ay tila nakakatakot. Ngunit ang puno't dulo nito ay pagtitiwala. Nagtitiwala ba talaga ako na ang Diyos ang Diyos na pumigil sa kamay ni Abraham mula sa pagpatay sa kanyang anak at naglaan ng isang lalaking tupa sa kakahuyan para sa paghahandog? Kung oo ang sagot ko, may mga ibubunga ito. At magagandang bunga ito.
Ibig sabihin, bilang resulta ng katapatan ng Diyos sa pagbibigay, maaari akong magalak sa pagbibigay kahit sa mahihirap na panahon. Kadalasan, gusto lang ng Diyos na gawin natin ang unang hakbang. Maaaring singsimple lang ito ng paggawa ng plano para makaahon sa utang o isang plano para suportahan ang isang pamilyang misyonero nang isang dekada. Ito ang unang hakbang. Kapag talagang desidido na tayo rito, natuklasan kong mabilis na ihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa gawaing ito.
Hindi mahalaga kung nagbibigay tayo mula sa kasagaan o abang kalagayan. Sabik ang Diyos na tayo ay humakbang tungo sa kagalakan ng pagiging bukas-palad. Kailangan lang nating magtiwala sa Kanya at ihakbang ang unang hakbang na iyon.
Aplikasyon: Mayroon na bang pagkakataong alam mong gusto ng Diyos na gawin mo ang isang bagay na mahirap nang may matinding pananampalataya? Ginawa mo ba ito, o nagsisi kang hindi mo ito ginawa?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More