Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa

Giving It All Away…And Getting It All Back Again

ARAW 1 NG 9

Isang Pangmatagalang Pamana

Magkaiba ang mga tanong sa iba't ibang yugto ng buhay. Sa ating edarang dalawampu ay madalas nating itanong ang, "Sino kaya ang mapapangasawa ko at ano ang magiging karera ko?" Sa ating edarang tatlumpu nagsisimula tayong magtanong ng, "Paano ako magiging maunlad sa aking karera, at ano kaya ang mangyayari sa aking mga anak?"

Sa edarang apatnapu, nagsisimula tayong magtanong ng, “Ito ba talaga ang trabahong ginusto ko, at bakit napakahirap ng buhay? Sa ating edarang limampu, nagsisimula na tayong tumingin nang patalikod at paabante: "Kamusta naman ako hanggang sa puntong ito, at ano ang gagawin kong makabuluhan sa susunod na dalawampu't limang taon?"

Sa ating edarang animnapu, nagtatanong tayo ng mga mas simpleng tanong tulad ng, "Matagal pa ba akong mananatiling malusog, at kailan ko kaya makikita ang aking mga apo?" Pagsapit natin ng edarang pitumpu, nagsisimula na tayong talagang lumingon sa nakaraan at magtanong ng, “Sulit ba ang lahat, o may makakaalala ba?”

Sa edad na walumpu, malamang na hindi na gaanong makinang sa ating paningin ang ating mga ari-arian. Sa kabilang banda, ang mga bagay na talagang nagbibigay sa atin ng malaking kagalakan ay ang mga hindi materyal:

  • Isang tawag sa telepono mula sa isang kaibigan
  • Ang pagdampi ng kamay ng iyong asawa
  • Isang tahimik na palakad-lakad na pinagmamasdan ang nilikha ng Diyos
  • Ang nariyan ang iyong mga anak
  • Ang halakhak ng iyong mga apo

Ang nakakatawa sa mga tanong ng buhay ay na ang mga tinatanong natin sa hulihan ang marapat nating tanungin sa pasimula. Mahirap gumawa ng makabuluhang buhay nang hindi isinasaalang-alang ang ating katapusan: Ano ang inaasam natin, ano ang pinapangarap natin tungkol sa ating buhay, ating pamilya, ating mga anak?

Umaasa akong ang ilan sa mga tanong na ipinagpapaliban natin–tungkol sa katiyakan ng ating pagpanaw, tungkol sa ating pakahulugan ng buhay at tagumpay–ay masimulan na nating harapin ngayon. At malalaman nating hindi pumapatungkol sa pagtatapos ang usapang ito kundi sa isang pangmatagalang pamana.

Aplikasyon: Ano ang tagumpay para sa iyo? Magiging iba ba ang kahulugan ng tagumpay kapag nasa dulo ka na ng iyong buhay?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Giving It All Away…And Getting It All Back Again

Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.

More

Nais naming pasalamatan si David Green at Zondervan sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.zondervan.com