Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa
Isang Buhay Lang
Gustung-gusto ko ang tula ng Britanong manlalaro ng cricket at misyonerong si C. T. Studd na, "Isang Buhay Lang." Ang mga linyang talagang nakakaantig sa akin ay, “Isang buhay lang na maglalahong madali, tanging ginawa para kay Cristo ang mananatili.”
Naniniwala akong inilagay tayo ng Diyos sa mundong ito upang magtrabaho, kumita, at pangalagaan ang mga ipinagkatiwala Niya sa atin. Gayunpaman naniniwala rin akong tayo ay inilagay sa mundong ito upang magbigay, upang italaga ang ating sarili sa isang radikal na antas ng pagiging bukas-palad na makapagbabago ng mga buhay at mag-iiwan ng isang pamana. Sa madaling sabi inihayag ng Diyos sa ninunong si Abraham na pinagpapala tayo upang tayo ay maging isang pagpapala.
Ngunit ano ang ibig nating sabihin kapag pinag-uusapan ang pagiging pinagpala? Sa ating kultura, ito ay maaaring ipakahulugang pinagpala sa pananalapi. At talaga naman, ang pananalapi ay maaaring maging bahagi nito. Gayunpaman, naniniwala akong ang pagpapalang tinutukoy ng Diyos ay sumasaklaw sa labis na higit pa:
- Pamilya
- Mga Kaibigan
- Mga Talento
- Kalayaan
- Edukasyon
Kaya kong magpatuloy nang magpatuloy.
Kapag pinag-iisipan ko ang lahat ng biyayang ibinigay sa akin, mahirap sa aking hindi humintong panandali at magpasalamat sa aking Panginoon at aking Diyos. Ang puso Niya ay mapagbigay. Malawak at marangya ang Kanyang mga pagpapala.
Aplikasyon: Itala ang ilan sa maraming paraang ikaw ay pinagpala. Paano mo magagamit ang mga pagpapalang ito para sa mga walang hanggang layunin?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More