Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa
Ang Kagalakan ng Pagbibigay
Kapag nagbibigay tayo sa Diyos, hinahayaan natin ang Diyos na “buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos... ang masaganang pagpapala” (Malakias 3.10). Ang ilang mga Cristiano, nakakalungkot, ay kabaligtaran ang naiisip. Iniisip nilang mababawasan ang kanila kung magbibigay sila. Nakikita ko ito bilang pagpapala sa hinaharap. Kailangan at nais ko ang pagpapala ng Diyos sa aking pamilya. Habang nagbibigay ako, tila parami nang parami ang pagpapala Niya sa amin.
Hindi ko sinasabing dapat nating ipagdasal na buksan ng Diyos ang mga bintana ng langit upang bumalik sa atin ang pera. Ang paraan ng pag-iisip na iyan ay hindi naaayon sa Diyos. May higit pa sa pagpapala ng Diyos kaysa pera. Kailangan nating alisin sa ating sarili ang pag-iisip na ito na nakatuon sa bundok-bundok ng pera. Ang probisyon ng Diyos para sa ating buhay ay maaaring dumating sa anyo ng tulong mula sa katawan ni Cristo (mga tao mula sa iyong simbahan) o sa anyo ng isang regalo, isang oportunidad sa trabaho. Ang aking ina ay nagbigay nang masunurin at may kagalakan, at nagbigay ang Diyos. Hindi siya yumaman sa pamantayan ng mundo, ngunit nag-impok siya ng kayamanan sa langit habang nagtitiwalang ibibigay sa kanya ng Diyos ang para sa dito at ngayon.
Hayaan akong makiusap sa inyo. Paniwalaan ang Diyos sa Kanyang sinabi. Subukin mo Siya. Kumbinsido akong kung hahakbang ka ng isang hakbang at patuloy na aabante sa kaayaayang pakikipagsapalaran ng pagbibigay, hinding-hindi ka mabibigo. Hinihikayat at hinahamon kita na ihakbang ang susunod na hakbang. Maaaring ito ay isang unang hakbang. Maaaring ito ay isang mas mapangahas na hakbang.
Aplikasyon: Paano magkakaroon ng mas malaking epekto ang isang pamana ng kagalakan at pagiging bukas-palad kaysa sa pag-iiwan ng isang umuunlad na negosyo o tambak ng pera?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More