Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa
Pananatiling Mayaman
Ang ilan sa inyo ay nasa tulad ng kinatatayuan ko ngayon. Ikaw ay nasa huling bahagi na ng buhay mo, iniisip kung paanong makakatapos nang maayos at makapag-iiwan ng pamanang magpapala sa iyong pamilya at sa mga makakasalamuha nila sa mga susunod pang henerasyon. Ang ilan sa inyo ay nagsisimula pa lamang sa buhay, ihinahakbang ang mga unang hakbang tungo sa mga pangarap at planong iyon.
Nasa dulo o simula ka man ng buhay, nais kitang hamuning gawin ang tatlong bagay:
- Magtrabaho nang buong puso, na para sa Diyos at hindi sa tao.
- Hawakang maluwang ang iyong mga plano, dahil wala ka talagang ideya kung ano ang itinalaga ng Panginoon.
- Isipin ngayon kung ano ang gusto mong maging pamana. Hindi pa masyadong maaga para magsimula.
Kapag tayo ay bata pa, minsan naiisip nating mayroong isang mahiwahang susi sa buhay na masasagot ang lahat ng tanong o malulutas ang lahat ng problema. Madaling isiping ang buhay ay nagtataglay ng isang malaking sikreto at na kapag nasumpungan na natin ang tagumpay, mapapasaatin ang susing itong makapagsisiwalat ng lahat ng misteryo ng buhay. Ngunit ngayon, bilang isang iginagalang dahil matanda na't maraming naranasan sa buhay, masasabi kong ito ay lubos na mas simple kaysa dito: maging tapat sa kung ano ang inilalagay ng Diyos sa harap mo, at mamuhunan sa mga bagay ng langit.
Ang mga pasyang gagawin mo ngayon ay makakaapekto sa pamanang iyong iiwan. Ikaw man ay isang bata-batang ginoong negosyanteng nakasumpong na ng itinuturing ng mundong tagumpay sa karera at buhay pamilya, o isang bata-batang babaeng kamakailan lang nagtapos sa pag-aaral at walang ideya kung ano ang nasa harap mo, ngayon ang tamang araw na gumawa ng iyong pasyang nababatay sa katotohanan na ang lahat ay pag-aari ng Diyos. Mamuhay sa mundong ito habang ipinupuhunan ang iyong kayamanan sa susunod.
Aplikasyon: Kung sisiyasatin mo ang buhay mo ngayon, sa anong mga bagay at kanino ka namumuhunan ng tatagal nang walang hanggan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More