Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa
Ang Pamana ng Trabaho
Ang kalooban ng Diyos para sa iyo at sa akin, at sa iyong mga anak at sa aking mga anak, ay malinaw na nakasaad sa Ang Mangangaral 9.10: “Anuman ang ginagawa mo'y pagbuhusan mo ng iyong buong makakaya.”
Anumang trabaho ang kalagyan natin sa buhay na ito–ito man ay singsimple lang ng pagpiprito ng mga burger–tinatawagan tayong gawin ito nang mahusay at sa ikaluluwalhati ng Diyos. Sinasabi sa atin ng Biblia na ang promosyon ay nagmumula sa Diyos, hindi sa mga among tao. Kung hindi mo ginagawa ang lahat ng iyong makakaya sa pagpiprito ng burger habang naghihintay ka ng mas maganda, duda akong makakamtan mo kailanman ang iyong mga pangarap.
Huwag na huwag nating dadayain ang ating mga anak ng karanasang magtrabaho. Dapat nating asahang ibibigay nila rito ang kanilang buong lakas. Huwag nating hayaang sirain ng ating mga reserbang personal o sa negosyo ang mahalagang aral na ito. Ano kaya ang gustong gawin ng Diyos sa pamamagitan ng buhay at mga talento ng iyong anak o apo? Malamang na hindi mo malalaman kung pagkakaitan mo sila ng karanasang magtrabaho.
Oo, alam kong nakakakonsensiya kapag nakikita natin ang ating mga anak na nahihirapan sa pananalapi. Ang hirap na hindi sumaklolo nang mabawasan ang sakit. Ngunit kung gagawin natin ito, mapipigilan natin ang kanilang pag-unlad.
Ang yaman na ating nililikha ay parang isang siga. Kung kontrolado, maaari itong magbigay ng init sa ating mga pamilya. Kung hahayaang kumalat nang walang humpay, maaari itong makawasak. Ito ang napakadalas nang nangyayari sa mga mayayamang pamilya sa buong mundo ngayon.
Hindi inilagay ng Diyos ang sinuman sa atin sa mundong ito para lang maupo sa isang yate. Inilagay Niya tayo rito upang pangalagaan ang harding iniatas Niya sa atin. Kung nais nating magbigay ng pamana ng pagiging bukas-palad, hindi natin dapat kalimutan ang halaga ng trabaho at ang epekto nito sa ating buhay.
Aplikasyon: Isipin ang kapangyarihan ng trabaho sa iyong buhay at sa kabuuan ng lipunan ngayon. Ano ang nagiging resulta ng trabaho sa isang tao? Paano nito hinuhubog ang isang tao?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More