Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Ang Pag-ibig ay Nababaluktot
Kasama si San Agustin ay masasabi natin na pag-ibig ang pinakasukdulan. Ngunit kasama din si San Agustin ay masasabi natin na ang kabutihang inilalaan ng Diyos ay paminsan nababaluktot; iyan mismo ang depinisyon ng kasamaan. Kaya pati ang pag-ibig ay nababaluktot at napagsasarili. Dahil tayo ay makasalanan likas tayong lubos na mapagsarili, at nabubuhay tayo sa isang mundong mapagsarili. Hanggat tayo ay makasarili, hindi natin lubos na mararanasan ang Kanyang pag-ibig.
Hindi naman natin nais palampasin ang nasa harapan natin dahil sa takot o pagmamataas o kawalan ng pananampalataya. Ayaw natin pagdaanan ang mga pasikot at pabali-baligtad ng buhay para lamang sa dulo nito ay madiskubre natin na hindi natin nakita kung ano ang mahalaga.
Isang salawikain na naisalin na ng ilang ulit nitong mga nagdaang siglo, ang banayad na nagpapaalala sa atin na ang hindi paggawa ng tila hamak na mga bagay ay maaring magkaroon ng mabigat at hindi-inaasahang mga kapinsalaan.
Dahil kulang ng pako, nawala ang sapatos.
Dahil kulang ng sapatos, nawala ang kabayo.
Dahil kulang ng kabayo, nawala ang mangangabayo.
Dahil kulang ng mangangabayo, nawala ang mensahe.
Dahil kulang ng mensahe, nauwi sa wala ang labanan.
Dahil nauwi sa wala ang labanan, nauwi sa wala ang digmaan.
Dahil nauwi sa wala ang digmaan, nawala ang kaharian.
Dahil kulang ng pako, ang mundo ay nawala.
Maaaring maligtas tayo at makapasok sa langit, at doon lang madiskubre na hindi natin natamasa ang nag-uumapaw na pag-ibig Niyang nakalaan sa atin dito sa lupa. Naibahagi ni Amy Carmichael ang, "Naisulat ni Julian ng Norwich [noong mga taong 1300]: "Kalooban ng Diyos na angkinin natin nang sakdal-lubusan at nang buong lakas ang mga kaginhawaang mula sa Kanya, at kalooban din Niya ang hindi tayo mabigatan sa ating mga problema, at huwag mabagabag ng mga ito. Oo, dahil "kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.'"
Naisulat ni Samuel Rutherford 300 taong pagkatapos ang, "Hindi ko lubos maunawaan ang pag-ibig ni Cristo. Kung alam ko lang kung ano ang inihanda Niya para sa akin, sana hindi ako kahit kailan pinanghinaan ng loob."
Maiuugnay mo ba sa sarili mong damdamin ang naramdaman ng mga naunang mananampalatayang ito? Madalas nahihirapan tayong lubusang angkinin ang pag-ibig ng Diyos dahil pakiramdam natin hindi tayo karapat-dapat, hindi kaibig-ibig, o hindi katanggap-tanggap. May malalim tayong pakiramdam sa ating kaluluwa na mali tayo sa kung ano ang mahalaga sa buhay. Ngunit kung mali tayo sa kung ano ang mahalaga sa buhay, hindi natin mapanghahawakan ang maraming mga pagpapala at oportunidad na mayroon Siya para sa atin, ngayon at sa kinabukasan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org