Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa

What Is True Love?

ARAW 9 NG 12

Paano Mamuhay sa Wagas na Pag-Ibig?

Basahin ang 1 Juan 4:16-17 at Juan 13:34-35.

Ano ang nagpapalaya sa pag-ibig? Paano ba natin maiaalis ang kasalanan at pagmamahal sa sarili upang makasulong sa tunay na pag-ibig?

Hindi natin ito kaya kung wala Siya at kung wala ang tulong Niya. Napakadaling mabaling ang ating pansin sa iba at malihis ng landas. Ang pagmamahal ni Cristo at ang Ebanghelyo ang ating tanging pag-asa. Naparito si Jesus, nabuhay, namatay, inilibing, at muling nabuhay upang mapagtagumpayan ang kasalanan, si Satanas, at ang kamatayan. Ang Anak ng Diyos na umibig sa atin ay Siya ring nagbigay ng Kanyang sarili para sa atin. Sa Kanyang pag-ibig sa atin ay inilatag Niya ang daan.“Panginoong Jesus, nais kong makalakad sa pag-ibig na ito. Tulungan Ninyo ako na buong pusong umasa at magtiwala sa Inyo.”

Ang pagbabasa ng mga himno ng mga nakatatandang santo ay makatutulong na ipako ang ating isipan sa labanang ito. Naririnig natin ang kanilang mga pusong nagagalak sa Diyos, sumasamba sa Kanya, namumuhay nang banal, at umiibig sa Kanya nang buong puso, kaluluwa, isipan, at kalakasan. Pagmuni-munihan mga saknong ito sa himnong “Awake My Zeal, Awake My Love” ni Isaac Watts. Ninanais din ba ng iyong puso na umibig sa Panginoon katulad nito?

Awake, my zeal; awake, my love,
To serve my Savior here below,
In works which perfect saints above
And holy angels cannot go.

Awake, my soul, to feed
The hungry soul, and clothe the poor;
In Heav’n there are none in need,
Their hearts are full forevermore.

Subdue my passions, O my soul!
Maintain the fight, God’s work pursue,
Daily my rising sins control,
And the vic’tries be ever new.
 
The land of triumph lies on high,
There are no foes t’encounter there;
Lord, I would conquer till I die,
And finish all the glorious war.
 
Let every flying hour confess
I gain Thy Gospel fresh renown;
And when my life and labors cease,
May I possess the promised crown!
 
Pagsasapuso ng Katotohanan: Pumili ng isasapusong Salita ng Diyos upang mabago ang iyong puso at isipan.

Pagwawaksi sa Sarili: Alin sa iyong mga kasalanan ang tinutugunan na napili mong Salita ng Diyos? Sinasabi sa atin ni Pablo na dapat nating alisin ang lumang pagkatao.

Pagsasabuhay ng Katotohanan: Isuot ang bagong pagkatao--si Cristo. Anong mga partikular na pag-aayos ang kailangan mong gawin sa iyong pag-iisip o ugali para magpasakop sa Kaniya at maisabuhay ang Kaniyang katotohanan sa iyong puso't isipan?

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

What Is True Love?

Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org