Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Hindi Nangangahulugang TOTOO Ang Ating PAKIRAMDAM
Pag-isipan ito: Hindi Nangangahulugang TOTOO Ang Ating PAKIRAMDAM. Madali tayong nalilinlang ng ating damdamin. Ang ating mga kilos at pag-uugali ay madalas na nagsasaad kung tayo nga ay nagmamahal o hindi higit sa ating nararamdaman. At maging sa ating pagsusuri sa ating sarili, maaaring baluktot ang ating pananaw. Tayo’y mga bulag at hindi halos nakakakita. Tumitingin tayo sa isa o dalawang mabubuting bagay na nagawa natin sa maghapon habang ang ibang bahagi ng ating araw ay ginugugol natin ayon sa ating mga pansariling pamamaraan at kagustuhan.
Ano ang isinasaad ng iyong mga kilos?
Paano natin matatamo ang tunay na pag-ibig kung tayo ay ipinanganak at lumaki sa isang mundong makasarili at ang tanging minamahal ay ang sarili? Paano natin malalaman ang kaibahan at saan tayo magsisimula? Nararapat tayong tumingala sa Diyos sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang pinagmulan, at ang Kanyang ginagawa at kung sino Siya ang nagbibigay sa atin ng tamang kaalaman at kahulugan ng pag-ibig.
Salamat na lamang at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi ipinagkakaloob batay sa ating mga nagawa. Purihin ang Diyos sapagkat walang sinuman sa atin ang karapat-dapat sa Kanyang pag-ibig. Subalit tayo’y nabiyayaan ng Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ni Cristo. Kung ganoon nga, batid na natin ang pinagmumulan ng wagas na pag-ibig. Sa ating pagkakaligtas, tinanggap natin ang Kanyang pag-ibig, at ipinagkaloob sa atin ang Kanyang pag-ibig bilang regalo—sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. Kaya’t maaari nating:
ibigin ang Diyos at
ibigin ang iba.
Nangangahulugan ito na ang pag-ibig ang pinagmumulan ng lahat ng ating ginagawa.
Batid mo ba ang pag-ibig ni Cristo? Natanggap mo na ba ang pag-ibig na nagmumula sa Diyos Ama at kay Cristo na Kanyang Anak? Nababatid mo ba ang katotohanan mg Ebanghelyo?
Ninanais ng Panginoon na mapagkumbaba tayong pumasok at tanggapin ang Kanyang pag-ibig. Kakatagpuin Niya tayo kung saan man tayo naroroon—sa kalungkutan, sa kagalakan, sa kabiguan, sa katagumpayan. Ninanais Niya na malaman natin na tunay Niya tayong iniibig. At nais Niya na magtiwala tayo sa Kanyang pag-ibig. Nawa’y lumapit tayo sa Kanya dala ang lahat ng ating mga intindihin sa buhay, ang lahat ng ating mga pangamba, ang lahat ng ating mga kasalanan, at ang lahat ng ating mga suliranin, at ilatag ang mga ito sa Kanyang paanan at tanggapin bilang kapalit ang Kanyang biyaya, awa, at pagmamahal.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org