Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa

What Is True Love?

ARAW 1 NG 12

Pananabik sa Pag-ibig

Ang tanging pananabik ng ating puso ay ang pagmamahal, alam man natin ito o hindi. Tunay ngang tayo ay ginawa upang magmahal. Ang Diyos ay pag-ibig. Nananabik ka bang maunawaan ang tunay na pag-ibig ng Diyos? Kung gayon, nananabik ka bang ibalik ang pag-ibig na iyon ng iyong buong puso, kaluluwa, isip, at lakas?

Ngunit ano ba ang tunay na pag-ibig? Ang salitang ito mismo ay may maraming kahulugan. Masasabi nating, "Mahal ko ang kape. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Jesus." Paano natin malalaman kung ano talaga ang tunay na pag-ibig? Ano ang hitsura nito? Ano ang pakiramdam nito? Mahalaga ba ito?

Ang tunay na pag-ibig ay higit pa sa isang pakiramdam, damdamin, misyon, o maging sa isang doktrina. Ang tunay na pag-ibig ay ang tunay na pagnanais sa kapakanan ng iba. Ang tunay na pag-ibig na nagdudulot ng kaluwalhatian sa Diyos ang siyang pinakalayunin ng buhay at ng kinalalagyan ng simbahan.

Sasabihin ng iba na ang mga misyon ang siyang sukdulang layunin ng simbahan: "Ang kataas-taasang gawain ng Simbahan ay ang pagtuturo ng ebanghelyo sa mundo. Ang misyon ng simbahan ay ang mga misyon" (Oswald J. Smith).

Ang iba'y sasabihin naman ang pagsamba: "Hindi ang mga misyon ang sukdulang layunin ng simbahan. Ito ay ang pagsamba. May mga misyon dahil walang pagsamba. Ang pagsamba ang pinakapangunahin, hindi ang mga misyon, sapagkat ang Diyos ang pinakapangunahin, hindi ang tao. Kapag natapos na ang panahong ito, at ang 'di-mabilang na milyon-milyong taong tinubos ay magpapatirapa sa harap ng trono ng Diyos, mawawala na ang mga misyon. Ito ay pansamantalan pangangailangan. Ngunit ang pagsamba ay nananatili magpakailanman" (John Piper).

Ang ibig kong ipahiwatig sa iyo ay sukdulan ang pag-ibig at ang mga misyon at ang pagsamba ay mga pagsusbong ng pag-ibig na iyon. Inuutos ng Diyos sa Kanyang mga tao na mahalin Siya ng kanilang buong puso, kaluluwa, at lakas. Inuulit ito ni Jesus, at sinasabi niya sa atin na ang una at pinakadakilang utos ay mahalin natin ang Panginoon na ating Diyos ng ating BUONG puso, BUONG kaluluwa, BUONG isip, at BUONG lakas. Ang ibig sabihin ng BUO ay BUO. Kasunod nito ay sinabi Niya na malalaman ng lahat ng tao na tayo ay Kanyang mga disipulo dahil sa ating pagmamahal para sa isa't isa. Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto na ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ay pawang pangmatagalang katangian, ngunit ang pinakadakila sa tatlo ay ang pag-ibig. Ayon sa Diyos, kay Jesus, at kay Pablo, lumalabas na ang pag-ibig ang sukdulang layunin natin at samakatwid ay para sa simbahan.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

What Is True Love?

Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org