Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa

What Is True Love?

ARAW 2 NG 12

Ang Sukdulang Layunin

Kung tunay na pag-ibig ang sukdulang layunin, hindi ba natin nanaising malaman kung ano ito at kung paano natin ito makakamit? Maaaring sumagi na sa ating isipan ang tanong na, Kaya ba nating maunawaan ang tunay na pag-ibig?

Kung ang Diyos ay pag-ibig,

at ipinag-uutos ng Diyos na mahalin natin Siya,

at ang Diyos, sa Kanyang kabutihan, ay ibinuhos ang Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ni Cristo para sa ating kaligtasan,

kung gayon ay maari nating pagpasyahan na ang sagot ay oo—isang tumataginting na OO!

Binigyan tayo ng kakayahang malaman kung ano ang tunay na pag-ibig, mamuhay sa tunay na pag-ibig, at ipamahagi ang tunay na pag-ibig. Kung ang Diyos ang pag-ibig, hindi lamang Siya ang halimbawa at batayan ng pag-ibig, kundi Siya mismo ang pinagmulan nito.

Ngunit ano ang mga balakid na maaaring humadlang sa atin?

Kawalan ng pananampalataya? Sama ng loob? Pagtataksil? Kawalan ng tiwala? Apatya? Career? Tahanan? Katanyagan? Takot? Pakiramdam na hindi ka karapat-dapat? Kabiguan? Pag-isipan mo ito ngayon habang ikaw ay nasa trabaho, nasa bahay, o nagmamaneho . . . at lumapit sa Panginoon sa panalangin at ibahagi ang iyong natuklasan. Kung nararamdaman mong wala namang pumipigil sa iyo, ngunit wala ka pa rin sa katayuang iyong inaasam, ibahagi mo rin ito sa Panginoon.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

What Is True Love?

Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org