Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Ang Tunay ng Pag-ibig ay Hindi Maaring Palsipikahin
Ang tunay na pag-ibig ang sentro ng ebanghelyo at ang ebanghelyo ang nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos. Ang ebanghelyo ang patunay ng tunay na pag-ibig. Tanging sa pamamagitan lamang ng ebanghelyo natin matatanggap ang tunay na pag-ibig. Binigyan tayo ng kakayahan na maunawaan ang tunay na pag-ibig, tamasahin ang tunay na pag-ibig, mabuhay sa tunay na pag-ibig, at umibig ng tunay kay Cristo.
Ano ang ebanghelyo?
Ang ebanghelyo ay ang mabuting balita na may umako na sa lahat ng sisi at kaparusahan na nararapat sa atin para sa lahat ng ating mga kasalanan sa Diyos. Ano ang kaparusahan sa kasalanan? Kamatayan, poot ng Diyos, walang katapusang pagdurusa sa impiyerno, at pagkawalay sa Diyos. Si Jesus, ang natatanging may kakayahan na bayaran ang ating mga kasalanan, ay namagitan, kumatawan sa atin, at umako ng LAHAT ng kaparusahang nararapat sa atin. Si Jesus, na walang kapintasan, walang kasalanan, ganap na Diyos at ganap ding tao, ay nag-alay ng Kanyang buhay para sa atin. Siya na walang kasalanan ang umako sa LAHAT ng ating mga pagkakasala, LAHAT ng ating kasamaan, at LAHAT ng ating KAMALIAN, at ipinagkaloob Niya sa atin ang Kanyang kabanalan, ang Kanyang katauhan, at ang Kanyang pagiging MATUWID bilang kapalit.
Siya na nag-alay ng buhay Niya ay nagnanais na ipaunawa sa iyo ang ganitong uri ng pag-ibig, tanggapin ito, maranasan ito, mamuhay rito, at ipamahagi ito sa iba.
Natanggap mo na ba ang ganitong pag-ibig? Kung hindi ka nakatitiyak, inaanyayahan ka naming basahin ang "The Gospel of Our Salvation" Kung alam mong tinanggap mo na ang kapatawaran ng Diyos at nagtitiwala ka kay Cristo at sa Kanyang pag-ibig, ang susunod naming hihilingin sa iyo ngayon ay bigkasin ang maikling panalanging ito: “Panginoon, hinihiling ko na buksan Ninyo ang aking mga tenga upang marinig ang Inyong Salita, buksan ang aking mga mata upang makita Kayo at ang Inyong katotohanan, at buksan ang aking puso upang makatugon sa lahat ng Inyong ipinapakita sa akin. Tulungan Ninyo akong maunawaan at tanggapin ang inyong tunay na pag-ibig at higit na maunawaan ang lahat ng Inyong ginawa para sa akin at magkaroon ng kakayahang mamuhay sa tunay mong pag-ibig. Amen.”
Ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay ang sukdulang pag-ibig. Ang pag-unawa at pagtanggap at paniniwala sa Kanyang tunay na pag-ibig ay napakahalaga at siyang pundasyon ng ating pagkatao, ng ating kaugnayan kay Cristo, at lahat ng ating ginagawa sa bawat bahagi ng ating buhay. At nararapat na tayo ay humayo sa Kanyang pag-ibig sa atin sa bawat sandali.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More