Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa

What Is True Love?

ARAW 7 NG 12

Hindi Rapat Hadlangan Ng Pagmamahal Sa Sarili Ang Tunay Na Pag-ibig

Ang pagmamahal sa sarili ay di lamang nakakahadlang sa tunay na pag-ibig, kundi nakakasira din nito.

Ano ang pinagtutuunan ng pansin ng sarili? SARILI. Takot. Kawalan ng pananampalataya. Kawalan ng tiwala. Magkakasalungat na kaisipan. Magkakasalungat na damdamin. Mga masasama at makasariling kasigasigan at hangarin. Poot. Hinanakit . . . malalim na hinanakit. Mga namamalaging emosyon at alaala. Mga kasinungalingan. Tagumpay. Katanyagan. Kayamanan. Pagmamataas. Ang ugat na tila karaniwan sa lahat ng kakulangan ng tunay na pag-ibig ay ang pagpokus papaloob sa ating mga sarili sa halip na papunta sa Diyos at sa kapwa.

Kaya nga, nasaan ang iyong pokus? Paano mo ginagamit ang iyong oras, pera, mga kayamanan, talento, at pagmamahal? Saan naglalayag o nakatuon ang iyong isipan sa maghapon? Anong mga salita ang namumutawi sa iyong bibig? Sa ibang salita, ano at sino ang gusto mong parating pinag-uusapan? Ang pokus mo ba ay nasa iyong sarili?

Bagamat nailatag na natin ang pundasyon na si Cristo sa ating buhay, maaari pa rin nating matuklasan na itinatayo natin ang pundasyon na iyon sa madaling mabuway at huwad na gawain ng ating sarili. Ngunit kaya ng Diyos na bawiin at panibaguhin ang mga taong ninakaw ng mga balang at kunin ang mga nais ng kaaway na gamitin sa kasamaan, at gamitin ang mga iyon para sa kabutihan. Kaya Niya na gamitin kahit ang atiing mga makasalanan at makasariling pamamaraan upang lalong ipahayag ang Kanyang pagmamahal, awa at pagpapala.

Maglaan ng ilang sandali upang pagnilayan ito at pagkatapos ay dasalin ang panalangin na ito:

"Panginoon, nakikiusap ako sa Iyo na buksan mo ang paningin ng aking puso at hayaan mo akong makita ang nasa loob nito. Mayroon bang pagmamahal? Mayroon bang hinanakit? Pagmamataas? Poot? Pagka-makasarili? Ano ang humahadlang sa akin upang makilala ang pag-ibig mo at mamuhay sa pagmamahal mo? Nais kong makilala ang tunay na pag-ibig na ito sa paraang mamumuhay ako upang ipahayag ang tunay na pag-ibig ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng aking mga labi at ng aking buhay. Ayon kay Pablo, kung hindi tayo umibig ay balewala tayo. Kaawaan Mo ako. Sa ngalan ni Jesus, Amen."

Pagsasapuso ng Katotohanan: Pumili ng Banal na Kasulatan na isasapuso upang liwanagan ang iyong isip at panibaguhin ang iyong puso.

Pagwaksi sa Sarili: Anong partikular na kasalanan ang tinutugunan sa iyong buhay ng Banak na Kasulatan na iyong pinili? Malinaw na sinasabi sa atin ni Pablo na iwaksi ang dating sarili.

Pagsasabuhay ng Katotohanan: Ilagay ang iyong bagong sarili --kay Cristo. Anong mga tiyak na pagbabago sa pag-iisip, pananaw o pagkilos ang kailangan mong gawin upang lubusang sumunod sa Kanya at maisabuhay ang Kanyang katotohanan sa iyong isip at puso?
Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

What Is True Love?

Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org