Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Ano'ng Bunga ng Wagas na Pag-ibig? J! O! Y!
Anumang araw, ang ating kaluluwa ay magdadalamhati sa kasalanan, at ang ating puso sa ating kahinaan. Sabi nga ni John Owen, nanlalambot siyang parang tubig. May mga araw na mas mahirap kaysa sa iba. Ang ihip ng hangin ay nagbabago at ang mga bagyo sa buhay ay dumarating at umaalis. Ang kalaban ay nagpaparatang. Nasaan ang ating pag-asa? Na kay Cristo! Kapag ang mga pagsubok ay nagtagal nang ilang buwan, taon, o dekada, nasaan na nga ba ang pag-ibig? Nasaan ang ating pag-asa? Na kay Cristo! Ang ating ginagawang pagsunod sa Diyos ay nasusubok. Paano pa tayo makasusunod? Sa pamamagitan ni Cristo! Habang nasa matinding pagsubok, maraming mga saloobin at damdamin ang nagtatalo, nagbabanggaan, at dumadausdos sa ating mga puso at isipan. Nasaan ang ating sigla, ang ating lakas, ang sigasig ng ating kabataan? Na kay Cristo!
J
Si Jesus na Siyang iyong lahat-lahat; ang iyong kabuuan. Panghawakan mo ang Kanyang Salita at magtiwala sa Kanyang sinasabi at hindi sa iyong iniisip, o sa sinasabi ninuman, o sa iyong nararamdaman. Siya ang sentro, ang batayan, ang pinakamahalaga, ang kabuuan, ang una at nakahihigit–ang LAHAT. Si Cristo! Ang Kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ay para sa kapakanan ng mga hindi karapat-dapat at mga mapagrebeldeng makasalanang tulad ko at tulad mo. Isinantabi Niya ang Kanyang katayuan at ang Kanyang korona at inialay Niya ang Kanyang buhay. Tayo rin ay tinawag sa ganitong uri ng kamatayan sa sarili para sa kapakanan ni Cristo at ng ibang tao.
O
Obedience o Pagsunod. Sundin ang Salita ng Diyos at manalig sa Kanya sa isip, sa salita, at sa gawa. Kumapit kay Cristo at sa Kanyang pag-ibig. Piliing isantabi ang mga damdamin at ang mga dating nakagawian at manampalataya, magtiwalang ang mga sinasabi ng Salita ng Diyos ay totoo.
Paano natin susundan ang pinagmumulan ng wagas na pag-ibig at patutuluyin at padadaluyin ang pag-ibig Niyang ito sa ating buhay? Paano natin matututunang manatili sa Kanyang tabi at lumakad kasabay ang Kanyang Espiritu at sundin Siya?
Una, kailangang malaman natin kung tayo ay napalayo na sa Kanyang pag-ibig. Magtanong: “Nakakakita ba ako nang mabuti? Lumalakad ba akong kasabay Ninyo, Panginoon?” Maaari nating sambitin maghapon ang isang maikling panalanging gaya nito upang matulungan tayo: “Tulungan po Ninyo akong magtiwala at mamuhay sa Inyong pag-ibig! Panginoon, nais ko po Kayong ibigin. Tulungan po Ninyo akong ibigin Kayo nang buong puso, kaluluwa, isipan, at kalakasan ko, at tulungan po Ninyo akong mahalin ang ibang tao.”
Y
Youth o kabataan. Sariwain ang iyong kabataan tulad ng sa mga agila! Makasusumpong ka ng kaligayahan sa Panginoon at ng kalakasan mula sa kaligayahang ito!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org