Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Pagtutol sa Pag-ibig
Kung si Cristo ay pag-ibig at ang umibig na tulad ni Cristo ang siyang layunin, ay magkakaroon ng pagtutol sa gawaing ito. Kung ang Diyos ay pag-ibig, si Satanas na ating kaaway naman ang tahasang kabaligtaran. Ang buhay ay hindi lamang mahirap; ito ay isang labanan. Katulad ng pangangailangan ng tupa sa isang pastol upang manatili ito sa tamang daan at mamalaging ligtas, kinakailangan nating sundang mabuti ang ating Panginoon upang hindi tayo maligaw, mapasama, o malinlang ng kaaway.
Nakikita natin ang ating kahinaan at nakikiisa tayo sa mga Puritano sa pagsambit ng, “O Panginoon, ako’y isang kabibing puno ng alabok… Hindi ako isang pambihirang bagay na may napakataas na halaga, kundi isa lamang akong taong maraming kakulangan at walang-wala… Ako ay labis na naniniwala sa kasamaan at kadalamhatian ng isang lugmok sa kasalanan, sa kapalaluan ng mga nilalang” (hango sa “Man A Nothing”, sa The Valley of Vision).
Kung ang Diyos ay pag-ibig at nagtitiwala tayo kay Cristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, nalalaman natin na tayo ay iniibig. Alam din natin na tayo’y sinagip mula sa kaharian ng kadiliman na tutol sa pag-ibig at pinatutuloy sa kaharian nitong wagas na pag-ibig. Ngayon ay ating hangarin kung paano mamuhay dito. Paano nga ba natin gagawin ito? Sa pagtutok ng ating paningin sa Ebanghelyo at sa pagkuha ng kalakasan sa Ebanghelyo:
-ang Ebanghelyo ang saligan ng wagas na pag-ibig
-ang Ebanghelyo ay nagpapakita ng pag-ibig
-ang Ebanghelyo ang nagbibigay ng kahulugan sa pag-ibig
-ang Ebanghelyo ang nagbibigay sa atin ng kakayahang tumugon sa pag-ibig.
Araw-araw, kailangan nating hilingin sa Panginoon na tulungan tayong makasunod sa Kanya, na makalakad tayo sa Kanyang pag-ibig, na ibigin Siya, at ibahagi ang pag-ibig Niya.
Pagsasapuso ng Katotohanan: Pumili ng talata sa Banal na Kasulatan na iyong isasapuso upang mabago ang iyong puso at isipan.
Pagwawaksi sa Sarili: Alin sa mga kasalanang nagawa mo ang tinutugunan ng napili mong talata mula sa Banal na Kasulatan? Malinaw na sinasabi sa atin ni Pablo na iwaksi natin ang ating lumang katauhan.
Pagsasabuhay sa Katotohanan: Pagsusuot ng bagong katauhan–si Cristo. Ano ang mga pagbabagong kailangan mong gawin sa iyong pag-iisip o pag-uugali o asal upang makasunod sa Kanya at maisakatuparan ang Kanyang katotohanan sa iyong puso at isipan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org