Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Ang Ating Tanging Hangarin ay Tunay na Pag-Ibig.
Basahin ang Mga Awit 27:4-9, 11, 14 at Nehemias 8:10.
Kung ang tangi nating hangarin ay ang mahalin si Cristo nang lubusan, kailangan nating kumapit sa Kanyang tabi at sumunod sa Kanya nang ganap. Sa pagsunod sa Kanya nang ganap, kailangan nating pasanin ang ating krus, at itakwil ang ating buhay para mabuhay sa Kanya. Kailangan nating mamatay sa ating sarili, ating mga gawain, ating mga pagnanasa, ating sariling kaluwalhatian. Sa pamamagitan ng kamatayang ito, ang pagkamatay ng pag-ibig sa sarili, ay nabubuhay ang pagmamahal ni Cristo sa atin. Kailangan natin Siyang hanapin--wala nang iba pa--para sa kapayapaan, pagtanggap, pagpapatibay, direksyon, at kahalagahan. Nararapat na makita natin ang ating kagalakan sa Kanya. Siya dapat ang ating ganap na gantimpala. Kailangan nating manatili ng lubusan sa pakinabang na ating inaasahan mula sa Kanya. Dapat tayong umasa sa Panginoon at hindi sa ating sariling kabanalan. Walang pagtitiwala ang dapat ilaan sa sarili. Sa katunayan, kapag naiwaksi natin ang ating sarili saka natin lubusang makakatagpo si Cristo.
Ngunit ang pag-iwan sa sarili ay hindi madaling gawin. Ibig sabihin nito'y kailangan nating iwanan ang ating mga nakagawian, mga pananaw, kagustuhan, kalooban, mga kinatatakutan, kawalan ng kapanatagan, mga problema, mga pag-aalala, at iba pa. Habang lalo nating iniiwan ang mga kaginhawahan at gawi ng mundong ito, lalo tayong makakakapit sa ginhawa at paraan ng pamumuhay ni Cristo. Habang lalo tayong nagagalak kay Cristo, tayo rin ay mas malugod na makakapaglingkod at makakapagtiis para sa Kanya, at mas mababa ang panganib na tayo'y malayo sa Kanya. Ang kagalakan ng Panginoon ay ang ating kalakasan.
Kung ninanais nating mapuno ng Kanyang presensiya at pagmamahal, kailangan nating lumakad nang malapit sa Kaniyang puso araw-araw, sa gitna man ng matinding unos o sa kabila ng mga tuksong dumarating sa atin, malaki man o maliit.
Bukas ay matutunghayan natin kung paano ito nangyayari sa pang-araw-araw.
Pagsasapuso ng Katotohanan: Pumili ng Banal na Kasulatan na magpapanibago ng iyong isip at makakapagbago ng iyong puso.
Pagwawaksi sa Sarili: Anong partikular na kasalanan ang pinagtutuunan ng pansin ng Salita ng Diyos na iyong isinulat? Sinasabi sa atin ni Pablo na dapat nating alisin ang lumang pagkatao.
Pagsasabuhay ng Katotohanan: Isuot ang bagong pagkatao--si Cristo. Anong mga partikular na pag-aayos ang kailangan mong gawin sa iyong pag-iisip o ugali para magpasakop sa Kanya at maisabuhay ang Kanyang katotohanan sa iyong puso't isipan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org