Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa

What Is True Love?

ARAW 4 NG 12

Ang Ating Tugon sa Ebanghelyo

Basahin ang Mga Taga-Efeso 2:1-10, Mga Taga-Efeso 1:1-15, at 3:14-21.

May kaalaman ka man o wala tungkol sa ebanghelyo, magkaroon ka ng pagtataya sa iyong sarili at mahinahong pagnilayan ng may pananalangin ang ebanghelyo. May pinili kaming mga sipi sa Biblia at mga babasahin na makatutulong sa iyo. Hingin mo sa Panginoon na madala ang Ebanghelyo sa isip at puso mo nang may kalinawan, may kapangyarihan at may kabutihan.

Nais nating makita si Jesus at ang Kanyang pagpapakasakit at tingnan natin ang ating mga puso at sarili tulad ng pagtingin ng Panginoon. Ayaw nating malinlang. Ang Ebanghelyo ay hindi lamang isang pagsasanay ng kaisipan, ito ay may kinalaman sa puso.

Pagmuni-munihin ang kapangyarihan ng Ebanghelyo sa buhay mo at kung ano kapangyarihan nito sa iyo. Patuloy mong gawin ito sa loob ng ilang araw. Pagkatapos ay tingnan mo ang iyong kalendaryo at lagyan ng tanda ang isang araw doon, isang linggo mula ngayon, pati na ang oras, kung saan maaari kang gumugol ng 15-20 minuto upang magpasalamat sa Panginoon at ipagdiwang ang lahat ng nagawa Niya para sa iyo sa pamamagitan ng Ebanghelyo.

Habang nagmumuni-muni ka sa Ebanghelyo, tiyakin na maging totoo ka sa iyong sarili at ngpapakatotoo ka rin sa Panginoon. Sabihin mo sa Kanya kung saan ka may mga pag-aalinlangan, mga katanungan, kung may nararamdaman kang kawalang-interes sa ibang mga bagay, kung saan ang puso mo'y may katigasan, kung may nararamdaman kang kawalan ng pagpapahalaga o kaya nama'y nagkaka-agam agam sa buhay. Walang dapat ikatakot kapag tayo ay na kay Cristo. Ipinapangako Niya sa atin na kapag inamin natin ang ating kasalanan, Siya ay tapat na patawarin tayo.(1Juan1:9).
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

What Is True Love?

Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org