Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda. Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan. Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa, isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil. Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi, “Sandaling panahon kitang iniwanan; ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain. Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo, ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.” Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.
Basahin Isaias 54
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 54:4-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas