Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Kung may isang lugar kung saan gustong manahan ng Diyos, ito ay sa iyong mga pagpupuri. Umuupo ang Diyos, itinataas ang Kanyang magagandang paa at nagre-relax kapag may isang mananampalataya na pinipiling sumamba. Pero, kapag ikaw ay nagrereklamo, nagmamaktol at nagmamagaling at sumisigaw ng paninisi sa langit, hindi komportable ang Diyos na manahan sa iyo. Ang ating mga puso ang tahanan ng Diyos at dapat na maging maingat tayo habang inaalam natin kung anong klase ng kapaligiran ang nilikha natin para panahanan ng Panginoon. Natutunan ko sa marami nang pangyayari sa aking buhay, na ang Panginoon ay higit na interesado sa aking puso kaysa baguhin ang aking kinalalagyan. Dahil ang sigaw ng aking puso sa bawat araw ay maging katulad Niya, dapat na mas pahalagahan ko at mas bigyan ng higit na atensyon sa pananalangin kung ano ang namumuo sa aking puso higit sa kung ano ang nangyayari sa aking kalagayan. Hinihiling natin sa Diyos na baguhin ang ating kalagayan samantalang ang nais Niya ay baguhin tayo ng ating kalagayan.
Bilang mananampalataya, maaari kang pumili kung palalakihin mo ang sakit na nararamdaman at ang mga di kasiya-siyang pangyayari sa buhay o palakihin ang iyong Diyos sa kabila ng nararamdaman mong sakit. Ang ilan sa atin ay nagkukwento ng tungkol sa ating kalungkutan at kabiguan ng higit kaysa tungkol sa Panginoon na ating pinaglilingkuran. Kaya kong sabihin, base sa sinasabi ng isang babae, kung ano ang pinili niyang palakihin, alam man niya ito o hindi. Habang pinagbubulayan ko ang tungkol sa mga dakilang lalake at babae ng Diyos sa Biblia na piniling magsilbi sa kanya at nagamit ng lubos sa kanilang panahon, walang sino man ang hindi dumanas ng pagkabigo. Si Ester ay isang ulila na pinalaki ng isang tiyuhin na walang asawa subalit ginamit siya ng Diyos upang iligtas ang buong bansa ng mga Hudyo. Si Jose ay inalipusta ng kanyang mga kapatid na lalaki at ipinagbili bilang alipin subalit naging pangalawa sa pinakamataas na tao sa Ehipto upang iligtas ang kanyang mga kababayan mula sa matinding kagutuman. Si Daniel ay inagaw mula sa kanyang kinalakihang tahanan at sapilitang ipinasok sa kweba ng mga gutom, mababangis na mga leon, subalit ginamit siya ng Diyos bilang pwersa ng kabanalan sa Babilonya. Hindi pa tapos ang Diyos sa iyo at gumagawa Siya para sa kanyang mga anak hanggang Siya ay magtagumpay. Ang iyong pagkabigo ay walang kapangyarihan para biguin ka kundi maaring ilagay ka sa isang lugar kung saan magagamit ka ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Gusto Ka Ni Jesus

Committed Siya Sa Iyo

God Is for You