Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 30 NG 30

Anumang emosyon ang pinaglalabanan mo ngayon, kapag tumahan ka sa karunungan ng Salita ng Diyos at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, tiyak ang panalo mo sa anumang digmaan. Hindi ka na biktima ng mapanirang poot at putik kundi daig mo pa ang nagtagumpay dahil sa pambihirang pag-ibig ni Cristo para sa iyo.

Totoong may plano ang Diyos para sa buhay mo at ang plano Niya'y puno ng kagalakan, kapayapaan at pagtatagumpay. Lubhang kailangan ng Diyos na mapagwagian mo ang kinakaharap mo dahil mahalaga kang bahagi ng Kanyang malaking plano sa makasaysayang puntong ito. Kung magpapatuloy ka sa pagkagumon sa panlulumo, pagkagalit at kalungkutan, ang mundo'y mawawalan ng isang pambihirang biyaya na sinadya para dito. Huwag na huwag mong isipin na isa ka lamang bilang para sa Diyos at maaaring makatakas sa pamamagitan ng pangangalandakan ng iyong mga kabiguan at pangamba. Hindi ka isang pangkaraniwang mamayan, subalit ikaw ay isang mahalagang mapagkukunan ng makabuluhang pagbabago sa panahong ito.

Magagawa mo bang layunin na maging ang pinakamagaling na sarili mo ngayon? O magiging anino ka ng sangkatauhang maramdaming lumilihis sa plano ng Diyos para sa kanilang buhay? Kailangan ka ng Diyos! Kailangan ka Niyang maging buhay na patotoo ng ligaya at kapayapaan kahit na gumugunaw ang mundo mo. Kailangang ka Niyang maging magandang obra maestra ng kabanalan at pagtitiyaga sa isang kulturang nagwawala. Kailangan ng Diyos ng mga babae at lalaki sa bawat henerasyon na magpapahayag, "Ang buhay ko'y hindi tungkol sa akin at sa aking mga nararamdaman. Ang buhay ko'y tungkol sa paglilingkod sa Diyos at sa pagpapahayag sa Kanyang katangian sa aking mundo!

Maaalala ka kaya dahil sa awit ng iyong puso o sa palahaw ng iyong buhay? Tayong lahat ay mag-iiwan ng pamana ayon sa ating araw-araw na pinipiling emosyon. Ang emosyonal at espiritwal na pamana na pipiliin mo para sa susunod na salinlahi ay mas mahalaga kaysa sa pananalapi, mga kabahayan o lupain na maiiwan mo. Kasabay ng pagtingin mo sa maramdaming hapag ng iyong paligid, pamilya at kalagayan na nag-aalok sustansya sa iyong buhay, huwag mong kalimutan na ang Diyos ay nagbibigay ng pinakamabuti para sa mga nagtitiwala sa Kanya!
Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com