Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 24 NG 30

Maraming mga bagay sa buhay ang nagbibigay ng kabiguan sa atin. Kapag hinayaan mo ang sarili mo, maaaring maubos ang malaking bahagi ng oras mo sa pagharap sa mga kabiguan dahil sa isang tao o isang bagay. Ang kabiguan ay maaaring maging kulay ng buhay natin, dahil sa mga tao at pangyayaring hindi nakakaabot sa ating mataas na inaasahan. Ang alagad na si Pablo, ang sumulat ng aklat ng Mga Taga-Roma, ay nagbigay sa atin ng mas mabuting paraan kung paanong haharapin ang mga kabiguan nang hindi nabibigo! Ang matiyagang itinuturo sa atin ni Pablo sa mahalagang siping ito mula sa Banal na Kasulatan ay ang kabiguan ay walang kapangyarihang biguin ka! Hinirang ka ng Diyos para sa kabutihan at para sa iyong tadhana, kaya walang kapangyarihan ang kabiguang baguhin ang ginawa na ng Diyos. Kapag ang ating mga damdamin ay lubhang napapagod na at tayo ay nasisiphayo dahil sa mga pang-araw-araw na kabiguan sa ating buhay, binibigyan natin ng labis na kapangyarihan ang kabiguan sa ating mga buhay. Isa sa mga pinakamabisang susi sa pagharap sa kabiguan ay ang paglalagay ng mga ito sa kanilang tamang perspektibo.

Kapag ikaw ay nabigo, nangangahulugang ang tadhana mo ay habambuhay nang nabago; na minsan kang hinirang para sa kapalaran at kahalagahan ngunit ang nakalulumong pangyayari ay habambuhay na binago ang iyong walang hanggang layunin. Ang kabiguan ay nagpapahiwatig na minsan kang hinirang at dahil sa ilang pangyayari ay ninakaw ang pagkahirang na ito sa iyo. Ang mga pang-araw-araw na pangyayari ay walang karapatang alisin ka mula sa pagkakahirang sa iyo ng Diyos!

Tinuruan ni Pablo ang lahat ng kabahagi ng Katawan ni Cristo para sa lahat ng darating na henerasyon na ang ating tugon sa mga kabiguan ay buong-pusong pagsasaya. Isinalin ng bersyon ng King James Bible ang taludtod na ito sa isang pambihirang salita, " - we glory in tribulations , also ..."

Mali ang naging pagkakaunawa natin! Nagkamali tayo sa paniniwalang ang mga kapighatian, o mga kabiguan, ay mga kalunus-lunos at mga hadlang na nakapagpapabago ng buhay, samantalang sinasabi ng Biblia, na siyang nagtuturo sa atin ng lahat ng Katotohanan, na ang mga kabiguan ay ang pinakamainam na panahon natin. Ito ang pagkakataon maipapakita natin bilang mga Cristiano na tayo nga talaga ay naiiba at ginagamit natin ang sandaling ito upang ipahayag ang kaluwalhatiang inilagay sa atin. Hindi tayo umiiyak dahil sa mga kabiguan, nagagalak tayo sa kalagitnaan ng mga ito. Hindi tayo nananangis dahil sa kabiguan, kundi hinahanap natin ang kamay ng Diyos na maipakita Niya sa atin.

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com