Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 23 NG 30

Si David ay isang pangkaraniwang tao na may hindi pangkaraniwang puso. Nahihirapan siya sa kanyang marahas na damdamin, katulad din natin. Nasa bingit siya ng panahon ng lubhang kalungkutan nang napakaraming beses na at batid niya kung anong kailangan upang labanan ang mga blahs. Pinili ni David na utusan ang kanyang kaluluwa, kung saan nagmumula ang ating mga kaisipan, damdamin at pagkatao, upang pagpalain ang Panginoon. Ang pariralang ginamit dito ay nasa anyong pautos, na nangangahulugang hindi ito isang pagpili kundi isang malinaw na pag-uutos. Ang sinasabi rito ni David ay, "Kaluluwa, anuman ang nararamdaman mo, pagpapalain mo ang Panginoon! Sarili, paglabanan mo ang sarili mo at purihin mo ang Panginoon! Ngayon na! Damdamin, tumigil ka sa pagmamaktol at pagrereklamo mo at buksan mo ang bibig mo upang magpuri sa Panginoon!"

Ang pagpupuri ay siyang magbabago sa kapaligiran ng buhay mo sa paraang walang kapangyarihan ang anumang bagay. Tanging isang tao lamang ang pumipigil sa iyo upang magalak. Maaari mong isisi mo ito sa diablo ngunit wala siyang kapangyarihan pigilin ang iyong puso sa pag-awit. Napagtanto ng diablo na hindi na kailangang patahimikin ang iyong kakayahang sumamba sapagkat itong taong ito ay napakagaling sa ginawa niya at hindi na kailangan ang mga mapanlinlang na mga pamamaraan ng diablo. Sino ang makapangyarihang tagapigil na ito na nasa pagitan mo at ng iyong matinding pagsamba? Ikaw! Ikaw yan! Pinipili mong hindi magalak kapag ikaw ay abala sa mga malalalang blahs.May isang dahilan lamang kung bakit ang isang Cristianong nagmamahal kay Jesus nang buong puso ay pipiliing hindi magpakagalak. May isang dahilan na maaaring ipahayag sa hindi mabilang na pamamaraan. Pagkamakasarili. Sakim na pamumuhay. Pagkilala sa sarili. Pag-iingat para sa #1! Pangangalaga sa sarili. Ang paraan ko o ang paraan nila. Ang buhay ay tungkol sa akin. Ayoko niyan. Hindi ko kailangang gawin iyan kung ayoko.

Ikaw ang pipili. Dakilain ang sarili o dakilain ang Diyos. Pumili ka ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com