Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa
Hindi huminto ang Diyos sa Kanyang pagiging Diyos dahil lamang sa ikaw ay nasa lambak ng iyong buhay. Hindi Siya huminto sa pagiging Diyos ng kabutihan at kabaitan dahil lamang sa ikaw ay nabigo o nawasak ang puso.
Lahat tayo ay gustong nasa tuktok ng bundok sa ating buhay. Lahat tayo ay gustong langhapin ang sariwang hangin sa itaas ng bundok at pagmasdan ang napakagandang tanawin mula rito. Marami kang makikita kapag ikaw ay nasa tuktok ng bundok na hindi mo makikita kapag ikaw ay nasa lambak. Nakikita mo ang tamang pananaw ng mga bagay kapag ikaw ay nasa tuktok ng bundok. Ikaw ay literal na nasa tuktok ng sandaigdigan. Ito ay isang lugar na bagay sa isang reyna - sa reyna ng kabundukan!
Wala sa ating nagnanais na bumili ng lupa sa lambak ng kawalang pag-asa at kabiguan. Napakakitid ng pananaw kapag ikaw ay nasa mabababang lugar at hindi mo nakikita kung ano ang nasa kabila ng mga punungkahoy.
Gayunman, sa lambak tumutubo ang mga halaman at dito namumukadkad ang mga bulaklak. Walang tumutubo sa tuktok ng bundok kundi ang makikita mo lamang doon ay malalaking bato. Ang tuktok ng bundok ay hindi ang lugar kung saan nagkakaugat - iyan ay nangyayari sa lambak sa ibaba. Sa lambak nangyayari ang pinakamagandang paglago ng iyong buhay at doon lumalago nang mayabong ang bunga ng Banal na Espiritu. Hayaan mong sabihin ko ito sa iyon nang ganito: Sa lambak kung saan ang iyong puso ay nadurog, dito ang lugar ng iyong pinakamalaking pag-ani.
Nais ng Diyos na mag-umapaw ang ating saro hindi lamang kapag ang buhay natin ay maganda at kahanga-hanga ang tanawin; nais Niyang ang saro natin ay mag-umapaw sa lambak ng sakit at sa disyerto ng pagkawasak. Inilalagay ng Diyos sa iyong harapan ang mesa ng pagpapala na magpapagaling sa iyong wasak ng puso at pupuno sa iyong nagugutom na kaluluwa.
Nais ng Diyos na ikaw ay maging isang lalaki o babaeng batid na ang kabiguan ay walang kapangyarihang biguin ka. Gusto ng Diyos na maging isang nilalang kang yumayakap sa Kanyang presensya sa panahon ng pagkawasak at kawalang pag-asa. Nais ng Diyos na ikaw ay maging isang Cristianong hindi naninisi kung laging nagbibigay ng pagpapala. Nais ng Diyos na maging isa kang mananampalatayang namumunga sa pinakamadilim na sandali ng iyong buhay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com