Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa
Ito'y isang katotohanang mahirap paniwalaan: Isinadya ang pagkakalagay sa iyo rito, sa panahong ito ng kasaysayan, ng Diyos para sa Kanyang mga balak at mga layunin. Kinailangan Niya ng isang tulad mo upang mahalin ang hindi kamahal-mahal - upang magdala ng kagalakan sa isang madilim at malamig na mundo - upang ipahayag ang kapayapaan sa mga nakalilitong pag-uusap at kalagayan - at maging mabuti sa mga panahong ang ating kultura ay napakalupit. Ang Diyos, ang Manlilikha ng Sandaigdigan, ay nangailangan ng isang tulad mo upang laging maging positibo sa harap ng mga nakasisiphayong kalagayan - upang umasa kapag wala nang dahilan para umasa - at magpakita ng pagtitiyaga sa mga taong matigas ang ulo at magagalitin. Dahil kinailangan ka ng Diyos, nilikha ka Niya upang ipahayag ang Kanyang puso. Ang problema, bilang Kanyang mga anak, marami na tayong nakuhang mga katangiang namana natin sa mundo at natalikdan na natin ang mga katangiang bukas-palad na ipinagkaloob ng Diyos, ang ating mapagmahal na Ama. Ang problema, mas gusto nating gawin ang ating paraan kaysa sa Kanyang paraan. Ang problema, mas gusto pa nating magpakita ng isang makasariling pananaw kaysa sa magpakita ng kasiya-siya at masarap na bunga.
Nilikha tayo ng Diyos upang ipahayag ang Kanyang puso sa mga natatanging sandali na nakatala sa lahat ng panahon. Nilikha tayo upang gawin ang Kanyang mabubuting gawa ngunit sa halip, pinagpasiyahan nating magbago patungo sa isang madamdaming huwad ng kung ano talaga ang ninanais Niya para sa atin. Nilikha tayo ng Diyos dahil sa kakulangan ng "Pagka-Diyos" sa mundo, kaya ipinadala Niya ikaw at ipinadala Niya ako. Ipapahayag lamang ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan natin kung hanggang saan natin Siya pahihintulutan, upang punuin ang bawat sulok ng ating mga puso at ng ating buhay. Ang kahanga-hanga at nakapagpapatigil ng pusong katotohanan ay maaari mong makasama ang Diyos hangga't gusto mo! Hindi pa rin nagbabago ang tanong simula pa noong nasa Hardin ng Eden hanggang ngayon, Gaano mo ninanais ang Diyos?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com