Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa
Ang ating buhay ay hindi natin pagmamay-ari, subalit inilagay ng Diyos ito sa ating mga kamay. Bumalik ka at basahin mong muli ang unang pangungusap: Ang ating buhay ay hindi natin pagmamay-ari, subalit inilagay ng Diyos ito sa ating mga kamay. Ito ay isa sa mga banal na pagkakasalungatan na nagiging sanhi upang walang tinag nating tingnan ang mukha ng Diyos nang may lubos na pagmamangha.
Totoo ito - ikaw ay gawa ng Diyos. Ikaw ay nilikha kay Cristo Jesus para sa isang layunin lamang: para sa mabubuting gawa na inihanda ng Diyos para sa iyo bago pa ang simula ng panahon. Plano ng Diyos na lakaran mo ang buhay na inihanda at inayos na Niya noon pa lamang para sa iyong kabutihan. Subalit, sa iyo pa rin nakasalalay ang pagpili. Talaga namang maaari mong piliin ang pamamaraan mo o maaari rin namang piliin mo ang pamamaraan ng Diyos.
Bagama't ikaw ay pagmamay-ari ng Diyos dahil Siya ang lumikha sa iyo at may itinalaga na Siyang napakagandang buhay para sa iyo, inilagay pa rin Niya ang pagpili sa isang mahimalang buhay sa iyong mga kamay. Isa sa mga halimbawa ng pagkakataon kung saan pinipili natin ang Diyos o pinipili natin ang ating sarili ay pagdating sa mga kagustuhan natin at sa mga gawi natin. Kailangang isuko mo ang karapatan mong magreklamo at sumimangot at pagkatapos ay buong-pusong yakapin ang plano ng Diyos para sa buhay mo, na matatagpuan sa bunga ng Banal na Espiritu. Nilikha ka para sa mabubuting gawa at hindi para sa mga gawa ng laman o sa sinasabi ng iyong damdamin.
Ang mabubuting gawa na inihanda ni Cristo para sa iyo bago ka pa man isinilang ay higit pa sa pagbabasa ng aklat ng debosyonal o pakikinig sa mga musika ng pagsamba sa Diyos. Ang mabubuting gawa na nasa isip ng Diyos noong iniisip ka Niya ay puno ng kaluwalhatian kung kaya ipinahayag Niya sa lahat ng panahon na ikaw ay Kanyang obra maestra. Nakatingin sa iyo ang Diyos simula pa lamang ng panahon, upang gumawa ng isang bagay na tunay ngang kahanga-hanga sa buong buhay mo. Maging ang mga anghel ay hahanga at nanaising magawa ang bagay na siyang dahilan kung bakit ka nilikha!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com