Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa
Kung hinahangad mo na bumuo ng matibay na espiritu, dapat ay pakainin mo ito ng malusog at puno ng bitamina na pagkain. Dapat basahin mo ang iyong Biblia araw-araw para palakasin ang mga kalamnan at dagdagan ang tibay ng espiritu. Nagbabasa tayo ng Biblia hindi para sa impormasyon kundi sa pagbabagong-anyo at dahil sa ang mahimalang kapangyarihan na nakikita sa Salita ay isang pambihirang bitamina na nagtatatag ng kalusugan sa iyong espiritu sa bawat araw ng iyong buhay.
Maraming mga tao ang nagdadahilan kung bakit hindi sila nakakapagbasa ng Biblia araw-araw. Ang pinakapangunahing dahilan ay, "Hindi ko ito naiintindihan. Para sa akin ito ay mga hungkag na salita sa pahina." Hayaan mong himukin kita ngayon na kung iyan ang iyong dahilan: magpatuloy ka lang sa pagbabasa! Sasalubungin ka ng Diyos doon, naiintindihan man ng isip mo o hindi ang walang hanggang Katotohanan na makikita sa Kaniyang Salita. Kahit na hindi ito "nakukuha" ng iyong isip... tinatamasa naman ito ng iyong espiritu!
Ang iyong desisyon na busugin ang iyong espiritu ng sustansya ang magpapanatili na ito na malusog at matipuno kapag ang iyong diwa ay hindi mo mapamahalaan. Ang regular na pagbabasa ng iyong Biblia ay pangunahing gawi na kailangan mong itatag upang maging malusog at masigasig ang iyong emosyonal na pagkatao.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com