Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Nilikha ka ng Diyos na maging mayabong at patuloy na maging matatag. Ginawa ka Niyang may emosyonal at espiritwal na pananagana sa bawat panahon ng iyong buhay. Hindi Niya binalak na manguluntoy ang iyong damdamin at madaig ng galit at matinding kalungkutan at pag-aalala. Batid ng Diyos na kahaharapin nating lahat ang matitinding bagyo at karimlan na dulot ng ating kultura, subalit ang Kanyang malikhaing kakayahan ay nagbibigay-daan upang mapanatili ang ating ugnayan sa Puno ng Ubas sa kabila ng mga pagbabago sa buhay. Kalooban ng Diyos na yumabong ka sa bawat aspeto ng iyong buhay, kasama ang iyong emosyon!
Ang salitang "mayabong" sa Hebreo ay mayaman sa kahulugan at maraming gamit. Madalas na ito'y tumutukoy sa isang bagay o taong kamangha-mangha ang paglago. Ang "mayabong" ay isang salitang naglalarawan sa isang halamang tiyak na lalago nang husto anumang panahon o kahit sa tagtuyot.
Ipinahahayag ng Salmista na, "tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay." Kung ginagamit ng Biblia ang salitang "matuwid" upang ilarawan ang isang tao, nangangahulugan ito na ang taong iyon ay kusang-loob na iniuugnay ang sarili niya sa Diyos. Kung gayon, ikaw ay yayabong ayon sa lalim ng iyong kaugnayan sa Diyos! Kung pipiliin mong manatili sa Kanyang presensya araw-araw at maglaan ng panahon para sa Salita at sa panalangin, ang buhay mo ay magiging isang maringal na larawan ng pag-unlad na nagmumula sa iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Maraming Cristiano ang mas malalim pa ang ugnayan sa kirot ng nakaraan kaysa sa katotohanan ng presensya ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. May emosyonal na ugnayan sa iyo ang pagbabasa o hindi mo pagbabasa ng Biblia araw-araw. May emosyonal na ugnayan sa iyo ang pagsamba o di mo pagsamba sa kabila ng iyong kabiguan. May emosyonal na ugnayan sa iyo ang pananalangin para sa mga taong hindi naging mabuti sa iyo. Tunay na may halaga ang mga ito.
Kapag tama ang iyong pagpili, palalaguin ka ng Diyos! Magiging mabilis ang iyong paglago sa bahaging espiritwal at emosyonal sapagkat buhay ang iyong tinatanggap sa Diyos. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ikaw ay magkakaroon ng pag-uugali at katangian ng Diyos.
Kailangang kumilos ka kasama ang Diyos hanggang ang iyong emosyonal na tugon sa iyong mga kinakaharap ay bunga na ng malalim at mayamang pakikipag-ugnayan mo sa Kanya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Gusto Ka Ni Jesus

Committed Siya Sa Iyo

Pagmamahal