Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa
![Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F255%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
May panlunas ang Diyos sa pagkapagod; inireseta Niya ang "pananatili" para sa iyong pagod at patang-patang kaluluwa. Ang espiritwal na kabaligtaran ng kapaguran ay ang kapayakan ng pananatili kay Cristo.
Kailangan nating manatili sa isang tuluy-tuloy at walang patid na pakikisama kay Jesu-Cristo. Hindi ito pagdalaw ng isang beses sa isang linggo, kundi tayo ay iniimbitahang magtayo ng buhay sa paligid ng Kanyang presensya. Malugod tayong sinasalubong upang gawing tunay na tahanan ang Kanyang presensya. Ang Kanyang presensya ay hindi isang pamamahinga sa bagyo o kaya naman ay isang napakagandang bahay-bakasyunan, kundi ito ay isang lugar kung saan maaari mong itayo ang iyong buhay at hinding-hindi ka na aalis dito! Kapag ang iyong permanenteng tahanan ay ang presensya ni Cristo at hinahayaan mo Siyang ibulong sa iyo ang Kanyang plano para sa bawat araw, bawat oras at maging sa mga partikular na sandali ng iyong araw, doon malinaw at maliwanag na makikita ang Kanyang maluwalhating bunga sa iyong buhay na masaganang nadidiligan.
Ang salitang "abide" o "mamalagi" sa salitang Griego ay isinasalin na "tumagal o makatiis." Kapag araw-araw kang namamalagi kay Cristo habang patuloy mong pinupuno ang sarili mo ng manna ng Kanyang Salita at pinananariwa mo ang iyong sarili sa malamig na agos ng pagsamba, tiyak na madadaig mo ang diablo at ang kanyang mga pamamaraan laban sa iyo. Hindi na ikaw ang babaeng laging pagod na pagod at nanghihina kundi ikaw ay magiging larawan ng kalusugan at kagandahan habang namamalagi ka kay Cristo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F255%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com