Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 18 NG 30

Kapag tayo ay magkakasama, Siya ay kasama natin. Kung nais mong magkaroon ng panahong kasama ang Diyos, subukan mong gumugol ng isang gabi kasama ang grupo ng mga taong nagmamahal sa Kanya. Kapag ang pakiramdam mo ay nag-iisa ka, anyayahan mo ang ilang mga taong nagnanais na manalangin at hulaan mo kung Sino pa ang papasok sa iyong pintuan?

Ang Diyos ay nananahan kung saan ang pagpupuri ay ganap at malakas. Kung nais mong gawin Niyang totoo Siya sa iyo at magpakilala Siya sa iyo, kailangang gugulin mo ang buhay mo sa pagsamba sa Kanya. Nagpapakita ang Diyos sa lalaki o babaeng maka-Diyos na sumasalungat sa mga pangyayari at kalagayan na may pusong nag-uumapaw sa dalisay na pagsamba. Kung haharapin mo ang kalungkutan, magpatugtog ka ng mga musikang pagsamba at itaas ang iyong mga kamay sapagkat naroon Siya! Hindi ka nag-iisa. Umawit nang malakas at umawit nang makapangyarihan! Siya ay nariyan! Hindi ka nag-iisa. Umawit ka habang nasa sasakyan at habang naliligo at makakasama mo Siya. Sa tuwing sinasadya mong piliin ang pagsamba, inilalagay mo ang sarili mo sa Kanyang presensya. Hindi ka nag-iisa. Kahit kailan.

Kung ako ay manggagamot, at parang ito nga ako ... ako ay isang manggagamot ng kaluluwa, kaya't hayaan mong bigyan kita ng reseta para sa kalungkutan. Magbigay ka sa isang tao tatlong beses man lang sa isang araw. Ang iyong kalungkutan ay malulunasan kapag mas nababahala ka sa pangangailangan ng ibang tao kaysa sa buhay mong nag-iisa. Ngumiti ka sa isang tao sa loob ng isang pamilihan. Sulatan mo ang kaibigan mo noon sa kolehiyo at makipag-ugnayang muli sa kanya. Huwag magsawalang-kibo at tumigil na lamang sa bahay at manood ng telebisyon, sapagkat malalaman mong ang pagbibigay ay laging gamot sa kalungkutan.

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com