Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 21 NG 30

Ano ba talaga ang mga blah? Itong pananakit ng ulo ng iyong kaluluwa ay hindi maaaring ituring na "panlulumo" dahil kaya mo pa rin namang kumilos kahit na inaasintahan ka ng mga blah. Pinipili mo pa rin, kahit gaano ka nananamlay, na ilakad ang mga paa mo. Nakakaya mo pa namang makipag-ugnayan sa mga tao bagaman ang iyong mga sagot ay hindi ganoon kataginting o kasigla. Hindi ka pa naman nagtatago sa isang kuweba bagaman nanghihina sa ilalim ng kumot, nkakatukso talagang matulog nang matagal at magkaroon ng kumpletong katahimikan. Araw-araw. Buong araw.

Nakakaya mong gumising tuwing umaga, bagaman gumagana ka ng kalahati lamang ng iyong potensyal. Hindi ka namimighati, ngunit hindi ka rin naman masaya o nananabik sa anumang bagay. Ang bawat araw ay dumarating at natatapos sa isang kawalan. Ngumingiti ka paminsan-minsan ngunit hindi ito tumatagos sa iyong puso. Ang iyong pagbangon at pagparoon ... ay umalis at nawala na. Kung saan man. Hindi mo alam kung saan ito napunta!

Ganito ang iyong pang-araw-araw na plano at balak upang talunin ang mga blah. Ang bawat araw na bukas-palad na ibinigay sa iyo ng Panginoon ay bagong pagkakataon upang pamahalaan mo ang iyong araw sa pamamagitan ng pagpupuri. Ibinigay sa iyo ng Diyos ang araw na ito at ginawa Niya ito na ikaw ang Kanyang nasa isipan. May plano Siya sa bawat araw ng iyong buhay na laging puno ng pagpupuri. Kung nais mo ng katiyakan na ikaw ay kasama sa kalooban ng Diyos para sa iyong buhay sa bawat araw, mahalagang simulan mo ang iyong araw sa pagpupuri, punuin mo ito ng pagsamba at tapusin mo ito sa pasasalamat. Sa sandaling ikaw ay magising hanggang sa huling saglit bago ka matulog, piliin mong dakilain ang Diyos at huwag Siyang pagdudahan. Hindi tayo mga taong sinisisi ang Panginoon, tayo ay mga taong Siya ay pinagpapala!

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com