Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 22 NG 30

Gabi-gabi, kapag dumating ang hating-gabi, hindi tayo nagiging kalabasa kundi tumatanggap tao ng bagong-bago at kumikinang na regalo. Lahat tayo ay tumatanggap ng magkakaparehong dami ng regalong ito anuman ang ating timbang, edad, pinag-aralan, kagandahan, uri ng trabaho o kung may-asawa man tayo o wala. Kapag bumangon na ang bagong araw, ikaw ang nag-iisang may-ari ng 1440 sa pinakamakapangyarihang kalakal na nabatid sa kasaysayan ng sangkatauhan. Sa eksaktong isang segundo pagkalampas ng hatinggabi, sa bawat araw ng iyong buhay, binubuksan ng langit ang mga bintana nito at binibigyan ka ng 1440 na hindi pa nagagalaw at mahalagang mga minutong gugugulin. Kung paano mong gugugulin ang iyong mga minuto ay nasa sa iyo! Ang oras ay libre, ngunit ito ay walang kasing-halaga!

Maaari kang makipagtsismisan o maaari kang sumamba - maaari kang mapuno ng galit o pasasalamat - maaari kang tumakbo ng limang milya o manood sa telebisyon buong araw - maaari kang magbasa ng libro o pumunta sa mall. Ikaw, at tanging ikaw lamang, ang makakapili kung paano mong sasamantalahin ang napakarangya at walang kasing-halagang regalong ito. Maaari mong piliing tumawa o umiyak - umangal o magalak - maging negatibo o positibo - magkaroon ng kapaitan o maging mas mabuti. Ang 1440 butil ng oras na ito ay sa iyo at walang nagmamay-ari nito kundi ikaw lamang! Hindi ito sa asawa mo o kaya naman ay sa boss mo o sa mga anak mo para gugulin.

Totoong may mga bagay tayong kailangang gawin. Marami sa atin ay kailangang magtrabaho ngunit tayo ang pumipili kung paano tayong magtatrabaho. Maaari tayong pumunta sa opisina nang may palabang saloobin, puno ng pangamba at pagiging negatibo o maaari tayong pumasok nang may maligayang puso, may kasipagan sa paggawa at nananalangin para sa mga kasama sa ating opisina. Maaari mong kamuhian ang bawat minutong ikaw ay nasa trabaho at magsayang ng oras sa pakikipagtsismisan sa mga kasamahan mo sa opisina, o kaya ay sa paglalaro sa computer at paglabas nang limang minutong mas maaga kaysa sa dapat. O maaaring mabatid mong inilagay ka ng Diyos sa opisinang ito mismo upang maging pagpapala at magdala ng kagalingan at ng katangian ng Diyos sa iyong lugar ng pinagtatrabahuan.

Totoo, kailangan mong alagaan ang mga magulang mong may katandaan na, magpalaki ng mga anak mo at magtapon ng basura. Ganunpaman, ikaw ang pipili kung paano mong gagawin ang mga kailangan mong gawin. Maaari mong tahakin ang iyong buhay nang may mabibigat na paa at bigong puso o maaari mong gawin ang laht ng kailangan mong gawin sa buhay nang may pagtitiyaga, pagmamahal at kasiyahan.
Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com