Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

May isang pinakaiingatang kasabihan na kahit sa mga Cristiano ay nagbibigay-kaaliwan sa mga panahon ng pighati at malaking kapahamakan, "Lahat ng sugat ay naghihilom din sa pagdaan ng panahon."
Maaari ko bang sabihin sa inyo sa isang malakas na tinig - TUMUTUTOL AKO!! Ang panahon ay walang likas na kapangyarihan upang magpagaling. Tanging ang Diyos lamang ang Siyang may kapangyarihang magpagaling! May kilala akong mga kababaihang ganoon pa rin ang nadaramang pait at galit kahit sampung taon na ang nakalipas. Hindi pa napagaling ng panahon ang kanilang mga kaluluwa. May kilala akong mga kababaihang mas malakas pa ang pagsisisi ngayon kaysa sa noong 30 taong lumipas na. Hindi pa napagaling ng panahon ang mga pagod at namamaos na mga babaeng ito.
Tanging si Jesus lamang ang may kapangyarihang magpagaling kaya kung may durog na puso ka at ninanasa mo ang kaaliwan, kailangan mong magbabad sa Kanyang presensya kung saan ang mga himala ay nangyayari hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa Kanya. Hahayaan mo ba ang Kanyang mapaglingap na pakikipaglapit sa iyo na ibinibigay Niya lalo na sa mga may kasawian na pagalingin ang puso mo sa araw na ito? Walang makapagpapagaling sa puso mo kundi ang Panginoon lamang. Mapasisigla ka ng mga sasabihin ng ibang tao at maaaring makapagdala ito sa iyo ng kahit paanong kagalingan ngunit ang lubos na kagalingan ay nanggagaling lamang sa Panginoon sa tuwina. Ang mabubuting gawa at kilos ay maaaring magtanggal ng sakit mula sa isang durog na puso, ngunit walang anuman at walang sinuman ang makapagbibigay ng mapagpagaling na paghawak sa buhay mo maliban sa Panginoon. Siya ang may kapangyarihan, pag-ibig at banal na kakayahang pagalingin ka mula sa mga di-pangkaraniwang sakit na pinagdadaanan mo.
Kaya ng Diyos na ibalik sa dati ang iyong kaluluwa at magsagawa ng espiritwal na pagpapalit ng puso mo kung ito ang kinakailangan upang magkaroon ka ng kalusugan at pag-asang muli. Maaaring ito ay imposible kapag may kasawian ang puso mo ngunit hindi ito imposible sa Diyos! Ang kalooban ng Diyos sa tuwina ay ang pagpapanumbalik at kagalingan mo.
Madali nating mauunawaan ang konseptong sinisikap ipabatid ng Banal na Espiritu sa pamamagitang ng salmista sa pariralang ito, " - at ang natamong sugat ay bibigyang kagalingan." Ang larawang ipinipinta ng salitang ito sa pamamagitan ng salitang Hebreo ay isang napakagandang larawan ng isang mananahing malumanay na pinagtatagpi-tagpi at tinatahi ang mga bagay na nasira. Kung ikaw ay may durog na puso, kaibigan, may kilala akong Isa na dalubhasa rito at madali Niyang maaayos ito nang lubos. Hindi lamang Niya magagawang ayusin ang durog na puso mo, kundi naroon din ang kagustuhan Niyang gawin ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Gusto Ka Ni Jesus

Committed Siya Sa Iyo

God Is for You