Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 29 NG 30

Totoo ngang tayo ay may kaaway na walang tigil sa pakikipaglaban sa atin sapagkat ayaw niyang maipamuhay natin ang buhay na inilaan ng Diyos para sa ating lahat.

Ang diyablo ay walang-humpay sa kanyang tangkang nakawin sa iyo ang masaganang buhay. Marami sa mga sandata na hawak ng kaaway ay ang mga reaksyon ng damdamin sapagkat hindi niya kayang hawakan ang ating mga espiritu kaya ang buktot niyang balak ay ang makipag-ugnayan sa ating kaluluwa. Susubukan ng kaaway na linlangin ang sinuman sa atin sa pag-iisip na marapat tayong lumakad sa hindi pagpapatawad o kaya naman ay ang kaisipang walang nakakaunawa sa ating sakit na nararamdaman. Kapag tayo ay sumasang-ayon sa kanyang panlilinlang, ang ating mga emosyonal na ugali ay gagayahin ang mga pagpili ng diablo sa halip na ang kasaganaan ng Diyos.

Isa sa mga pinakamalinaw na paraan na ginagawa ni Satanas upang ipagkait sa mga Cristiano ang kakayahang makapamuhay ng masaganang buhay ay sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa kanilang may karapatan silang sa mga negatibong damdamin. Tuwang-tuwa ang diablo kapag sumasang-ayon ka sa kanyang tunay ngang may karapatan kang mag-alala, kapag nagpapakita ka ng di-pagpapatawad, o nagpapakita ka ng mapangahas na galit at pagkatapos ay tuwang-tuwa siya kapag nagpapakita ka ng pangit na pantaong asal. Ayaw ng Diyos na nakikiayon ka sa diablo: ang nais Niya ay maging tulad Niya tayo. Ganoon na lamang ang pagmamahal sa iyo ng Diyos kaya't susupilin ka Niya hanggang tanggapin mong hindi ikaw o ang diablo ang may mas mabuting palagay kaysa sa Diyos!

Ikaw man ay 8 o 88, walang sinumang natutuwa sa proseso ng pagsusupil. Ang sinumang nagnanais na gamitin sa isang mahalagang pamamaraan ng Diyos ay nauunawaan ang banal na pangangailangang mapagtagumpayan ang sariling pagtugon sa buhay. Ang iyong laman, na maaari ring kilalaning pantaong damdamin mo, ay sumasalungat sa iyong espiritu at sa Espiritu ng Diyos na nasa iyo, malibang natutunan mo nang hindi lamang supilin ang iyong laman kundi ipako rin ito.

Kung ang pinakamasidhing pagnanasa mo ay ang maging isang maringal na pagpapamalas ng bunga ng Espiritu at ng katangian ng Diyos, kailangan mong ipako ang iyong laman at supilin ang iyong damdamin. Kung kaya mong makipagtulungan sa Diyos sa mahirap na pagpupunyaging ito, ipoposisyon mo ang sarili mong laging nakahandang gawin ang mahalagang balak ng Diyos sa kapanahunang ito.
Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com