Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Ang pusong sira ay higit sa simpleng kabiguan at humahagupit sa ating mga buhay para mag-iwan ng habambuhay na pagbabago. Ang pusong sira ay magpapamilipit sa'yo sa sakit at mapapahingal sa iyo sa pagdadalamhati. Ang pusong sira ay magpapakapos ng iyong hininga.
Alam ng Diyos na habang tayo ay naninirahan sa bahaging ito ng langit, may mga tao, pangyayari at isyu na sisira sa mga puso ng Kanyang mga anak kung kaya may plano siya sa pinaka-nakakawasak na pangyayari sa iyong buhay.
Ang salita ng "sira" sa Hebreo ay ang salitang shabar at ibig sabihin ay "pwersahang punitin, sirain o durugin; lumpuhin, durugin o sirain." Ang sinaunang Hebreo ay napaka- deskriptibong lengguwahe kung kaya ang salitang shabar ay di lamang nagbibigay ng kahulugan kung hindi mga sitwasyon kung saan ginamit ang salitang ito para pang larawan. Ang salitang ito ay ginamit para ilarawan ang mga barko na nadurog at naputol mula sa unahan hanggang sa dulo dahil sa nagngangalit na hangin. Ginamit din ito para ilarawan ang pagwasak at paglaslas na ginagawa ng mabangis at gutom na hayop sa kanilang mga biktima. Maari itong isalin ng literal bilang "mga taong sumabog ang mga puso."
Ang salitang "puso" sa partikular na Kasulatan na ito ay ang salitang leb at tumutukoy sa kaluluwa o puso ng isang tao. Sinasakop nito ang moral ng isang tao, ang kanyang gana, damdamin, hilig at kahit na ang kanyang isip at memorya.
Nang sabihin ng Mangaawit na "Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso," ang Kanyang mga salita ay ipinahayag ng may maselang pag-iingat at lubhang kahabagan. Pinaalalahanan Niya ang mga bansang Cristiano sa mga panahon pang darating na ang Panginoon ay tumitingin ng may pagmamahal sa mga taong dumaranas ng hindi maipaliwanag na sakit. Ang sakit ay maaaring dulot ng isang malaking unos sa iyong buhay o ng isang mabangis at mabagsik na tao, subalit nasa tabi mo ang Panginoon at binibigyan ng buong pansin ang iyong wasak at nagdurugong puso.
Kung ikaw ay nagdanas ng ganitong matinding paghihirap, sinisigurado ko sa'yo na hindi ka nawala sa pangangalaga ng Diyos. Kung ngayon ang damdamin mo ay wasak at iniisip mo kung paano mo malampasan ang araw na ito, gusto kong bigyan ka ng kaaliwan sa paniniguradong Siya ay nasa iyo ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Gusto Ka Ni Jesus

Committed Siya Sa Iyo

God Is for You