Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa
Naging karanasan ko nang bihira kong "maayos" ang pag-uugali ng mga mapaghamong tao sa buhay ko. Ang pagtugon nang ayon sa emosyon sa mga taong mahirap pakisamahan ay hindi kailanman nagbubunga ng pangmatagalang pagbabago. Naniniwala akong marahil ay inilagay ka ng Diyos sa buhay ng taong mahirap pakisamahan hindi para pahinain ang kanilang kakaibang pag-uugali, kundi para ipanalangin sila. Ito ay simpleng panatayan na ibinibigay sa atin ng Diyos upang pakisamahan ang mga bugnutin at maligalig na nilalang sa sangkatauhan: Pag-ibig + Panalangin = Tagumpay.
Ang pamamaraan ng Diyos ay bihirang may kasamang damdamin ngunit ito ay laging may sangkap ng walang-sukatang pagmamahal at panalangin na pinagsasama para sa isang matagumpay na katapusan. Hindi ka nilikha ng Diyos upang gumamit ng mga salitang tumutusok, nakakasakit at pumipigil sa mga tao. Nilikha ka ng Diyos upang maging isang lalaki o babaeng mas nakatuon ang buhay sa Kaharian kaysa sa sarili. Ang mga taong mahirap pakisamahan ay maaaring lumayo dahil sa mga salita mo, ngunit hindi nila kailanman matatakasan ang iyong mga panalangin. Hindi maaari at hindi nararapat na ihiwalay ang ating pinaniniwalaan at ang ating pakikitungo sa ang ibang tao, gaano man sila kahirap pakisamahan.
May gamot para sa kapaitan at galit; ang tawag dito ay kabaitan. May paraan upang mapagtagumpayan ang galit at pag-iingay; ito ay ang pagiging mahabagin. May paraan din upang magapi ang paninirang-puri; ito ay kinikilalang kapatawaran.
Kailangan ang isang ganap at maka-Diyos na Cristiano upang makapagpala sa mga nang-uusig sa ating buhay. Nagbibigay tayo ng pagpapala sa pamamagitan ng ating bibig, sa saloobin ng ating mga puso, sa ating damdamin at sa ating mga pagkilos. Ang ilan sa inyo ay maaaring mag-isip, "Tama iyan, Carol, pero hindi mo kilala ang Tiya Matilda ko! Tunay ngang hindi siya kaibig-ibig sa kahit pa anong gawin mo!" Baka hindi mo magustuhan ang isasagot ko tungkol sa sitwasyon ni Tiya Matilda pero heto iyon, May nagmamahal sa iyong Tiya Matilda at ang Siya ay ang Diyos, kaya't simulan mo nang kumilos tulad ng iyong Ama!
Lahat naman tayo ay hindi kaibig-ibig sa ibang mga bagay, hindi ba? Lahat tayo ay maaaring maging matalim, matalas magsalita at palakontra paminsan-minsan, ngunit naniniwala akong ang dahilan marami sa atin ay hindi kaibig-ibig ay dahil sa kaibuturan natin ay naghuhumiyaw tayo upang tayo ay mahalin. Maraming pagkakataon sa ating buhay kung saan ang iyong kapasiyahang mahalin ang isang taong mahirap pakisamahan ay magpapahinuhod sa kanya nang lubos.
Kung tatanggi kang magpatawad at pagpalain ang mga taong mahirap pakisamahan sa buhay mo, nanganganib kang maging isang taong mahirap ding pakisamahan. Ang panatayan ay walang-palya at nakatitiyak ng iyong nalalapit na tagumpay:
Pag-ibig + Panalangin = Tagumpay!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com