Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 19 NG 30

Minsan, ang mga taong pinakamamahal natin ang siyang nagpapalabas ng pinakapangit sa atin. Ang mga taong nakakasalamuha natin araw-araw ang siyang tila nakakaubos ng bawat katangian natin bilang Cristiano hanggang sa lumabas ang pangit sa ating katauhan.

Lahat tayo ay may nakikilalang mga taong mahirap pakisamahan na maaring ang Diyos mismo ang naglagay sa ating buhay. Akalain mo yan! Ganoon na lamang ang pag-ibig sa iyo ng Diyos na pinagkakatiwalaan ka Niyang magiging mabuti sa mga taong ito. Nais ng Diyos na lumago ka sa bunga ng Banal na Espiritu kaya hinahayaan niya ang magaspang at masungit na babaeng iyan na pasukin ang iyong buhay. Kailangan ng Diyos ang mga lalaki at babae sa bawat henerasyon na iibig sa mga hindi kaibig-ibig, magiging mabait sa mga taong hindi mabait, magiging matiyaga sa harap ng kawalan ng pasensya at pagpalain ang mga taong talaga namang malupit.

Talagang nilikha ka ng Diyos upang mahalin ang mga taong napakagaspang; inilagay ka Niya sa panahong ito ng kasaysayan sapagkat nagtitiwala Siyang darating ka sa ganap na gulang at pagkatapos ay hahayaan mong ang Kanyang kaluwalhatian ay magliwanag sa kadiliman ng kaluluwa ng mga tao. Hindi mo ito kailanman gagawin kung ayon sa sarili mong katangian lamang o kung aasa ka sa ipinamana sa iyong damdamin ng iyong mga magulang. Gagawin mo lamang ito kapag napagpasyahan mo sa puso mong gusto mong maging katulad ni Jesus. Kapag nagdesisyon kang mas gusto mong maging katulad ni Jesus kaysa sa sarili mo. Kapag nagdesisyon kang ang pamamaraan Niya ay tunay ngang mas mabuti kaysa sa pamamaraan mo, na wala kang mas mabuting kuru-kuro kaysa sa Diyos.

Kapag nagpakita ka ng pagmamahal sa gitna ng marahas na sitwasyon at pinili mong maging mabait sa halip na mag-alburoto, sinasabi mo, "Kikilos akong tulad ng Ama ko! Bahagi ako ng Kanyang pamilya at ganito ang ginagawa namin! Iniibig namin ang mga taong hindi kaibig-ibig. Tungkulin ng aming pamilya na iabot ang aming kamay nang may banal na kabutihan sa mga taong masusungit. Huwag mong kalilimutan na tagapagmana ka ng kakayahang mahalin ang mga taong mahirap pakisamahan. Ito ang ginagawa ng mga Cristiano!
Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com