Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 17 NG 30

Ang kalungkutan ay ang damdaming tila wala namang umiintindi sa iyo o sa iyong buhay. Ang kalungkutan ay maaaring siyang pinakamapaminsalang damdamin sa lahat. Kapag hindi nakaya ni Satanas na patirin ka sa pamamagitan ng pag-aalala at takot, susubukan niyang ilayo ka sa mga mabubuting pakikipag-ugnayan sapagkat maging si Satanas ay batid ang kapangyarihan ng dalawa!

Bagaman at maaaring maramdaman mo na nag-iisa ka, kailangang paalalahanan mo ang sarili mo na hindi ka kailanman nag-iisa sapagkat ito ang pangako ng Biblia. Ito ang isa sa mga mahalagang sandali ng buhay kung saan kailangan mong paalalahanan ang sarili mong hindi lahat ng nararamdaman mo ay totoo. Kapag sinasabi sa iyo ng puso mo na nag-iisa ka at walang umiintindi sa iyo at sa buhay mo, ang puso mo ay nakikipagniig kay Satanas at nakikinig sa mga tusong kasinungalingan niya.

Pagdating sa kalungkutan, kailangang buksan mo ang iyong Biblia at makiisa sa Salita ng Diyos at hindi sa iyong kaawa-awang damdamin. Ang mga huling salita na sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad ay ang pagpapaalala sa kanilang bagaman at hindi na Siya makikita ng kanilang mga mata, ay kasama pa rin nila Siya habambuhay: "Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon." (Mateo 28:20).

Ang temang awitin ni Jesus ay ang hindi ka kailanman mag-iisa. Hinding-hindi. Ang kasinungalingang ibinubuga ni Satanas ay nagsasalita lamang sa ating mga damdamin at hindi ito ang katotohanang espiritwal. Ang katotohanang nagmumula sa Biblia ay nagsasabing ikaw ay napapaligiran ng pag-ibig ng Diyos at kinakalinga Niya ang bawat araw ng iyong buhay. Walang anumang makapaghihiwalay sa iyo mula sa pag-ibig ng Diyos; ikaw ay ligtas na napapaligiran ng Kanyang mapagmahal na pangangalaga sapagkat ipinangako Niya ito. Ang kalungkutan ay isang kasinungalingan - isang mapanikis at nakamumuhing kasinungalingan na magiging dahilan upang mag-alinlangan ka sa katotohanan ng Salita ng Diyos na hindi nagkakamali.

Si Jesus nga ang pinakamatalik mong kaibigan, kaya't simulan mo nang kumilos bilang ganito. Ibahagi mo ang iyong puso kay Jesus at pagkatapos ay makinig ka upang marinig mo kung paano Siyang sumasagot sa iyo. Gumugol ng isang buong gabi sa Kanyang presensya sa pamamagitan ng pakikinig sa mga musika ng pagsamba at pagbubukas ng Salita ng Diyos. Magsulat ka ng mahahaba at magigiliw na sulat ng pag-ibig at umawit ka ng awit ng iyong puso habang ikaw ay nasa Kanyang presensya. Kapag nagsimula kang tumugon kay Jesus tulad ng isang kaibigan, ang iyong kalungkutan ay mapapawi, tinitiyak ko iyan!
Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com