Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 16 NG 30

Kung may problema ka sa takot at pag-aalala, masasabi ko sa iyo kung saan nanggaling iyan! Ang mga Cristianong inilagay sa kanilang mga isipan ang takot at pag-aalala ay nakakakuha ng kanilang pangunahing impormasyon mula sa diablo mismo. Hayaan mong magsalita ako ng tapat dito - nakikinig ka sa maling tinig! Pindutin mo ang mute button at buksan mo ang Biblia!

Ang salitang Griego para sa salitang "takot" sa sinaunang Hebreo at sa Griego ay nagpapahiwatig ng pagtakas o pagtakbong palayo mula sa isang bagay o isang tao. Kaya, kapag sinabi ng Biblia sa atin na "huwag matakot", ang talagang sinasabi nito ay, "Huwag kang tumakbo!" Iilan lamang sa atin ang talagang tumatakbong palayo sa isang kalagayang kinatatakutan natin, ngunit kung saan talaga tayo tumatakbong palayo ay nasa mga isipan natin.

Ang mga salitang "huwag matakot" ay makikitang magkasama sa hindi bababa sa 144 na beses sa Biblia! At kapag sinabi ng Bibliang "huwag matakot," ang ibig sabihin nito ay huwag kang tumakbong palayo. Kapag ikaw ay natatakot o nag-aalala, sa halip na tumakbong palayo, kailangang tumakbo ka patungo sa lahat ng inilaan ng Diyos para sa iyo. Ang dahilan kung bakit sinusubukan ni Satanas na bigyan ka ng espiritu ng takot ay para tumakbo kang palayo sa mga pagpapala at kapangyarihan ng Diyos. Ang kabaligtaran ng pagtakbo palayo ay patuloy na pag-abante. Kapag ikaw ay anak na lalaki o anak na babae ng Kataas-taasang Diyos at batid mo ang katotohanan ng paglilingkod kay Cristo, patuloy kang aabante. Huwag kang magtagal sa ibang kaisipan na nanggagaling sa ama ng lahat ng kasinungalingan kundi patuloy kang umabante patungo sa iyong layunin!

Kapag takot kang tumatakbong palayo, tumatakbo kang pabalik sa iyong nakaraan at palayo sa mga bisig ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpapatuloy sa pag-abante, kumikilos ka patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus!

Dahil batid mong hindi ka binigyan ng espiritu ng takot mula sa Diyos, ano ang ibinigay Niya sa iyo? Binigyan ka Niya ng espiritu ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng matinong kaisipan. Kailangang matanggap ng iyong isipan ang mensaheng ikaw ay isang makapangyarihang babae! Alam mo ba na alam ng diablo na ikaw ay makapangyarihan? Hindi nga lamang niya gustong malaman mo na ikaw ay makapangyarihan! Ipahayag mo ito sa araw na ito - nang malakas - at walang takot:

Hindi ako tatakbo sa takot kundi ipagpapatuloy ko ang pag-abante patungo sa lahat ng inilaan ng Diyos para sa akin!

Hindi ba ang ganda sa pakiramdam?
Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com