Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 13 NG 30

Nang ang aking mga magulang ay ikinasal, binigyan sila ng isang lumang tokador ng mga magulang ng aking ama. Ang tokador na ito ay nasa manukan nila ng ilang dekada na, ngunit inisip ng lola ko sa ama na magagamit nila ito sa kanilang bagong tahanan. Ang tokador na ito ay natatakpan ng ilang taong alikabok, dumi ng mga manok at hindi mabilang na balahibo mula sa ilang salinlahi ng mga manok. Sinubukan ng lola ko na linisin ito ngunit hindi niya kinaya kaya tinakpan na lamang niya ito ng kulay berdeng olibang pintura na napakapangit.

Itong bulok na berdeng olibang tokador ay nakapwesto sa itaas na pasilyo ng aming bahay buong pagkabata ko.

Sa wakas ay napagpasiyahan ng aking ina na tanggalin ang ang pintura ng tokador. Dinala niya ito sa isang kaibigan ng aming pamilya na may isang matatag na "refinishing business" sa kanilang garahe. Dinala niya doon ang tokador isang umaga, at nang sumunod na araw, tumawag si Ginoong C. upang sabihin sa kanya na maaari na niya itong kunin. Hindi lubos maisip ng aking ina paano niya naayos ang malaking sirang kasangkapang iyon nang ganoong kabilis kung kaya't tinanong niya kung paano niya ito nagawa sa loob lamang ng 24 na oras.

Ipinaliwanag ni G. C. na habang sinasaliksik niya ang mga katangian ng naturang tokador, napagtanto niyang ito ay ginawa noong panahon ng Digmaang Rebolusyonaryo at ito ay isang napakahalagang pamana ng pamilya. Sinabi ni G. C na ito ay nakakapagpaalala ng mga kasangkapang ginawa para mismo kay George Washington! Tinanggihan niyang ayusin ito at sinabi niya sa aking ina na ito ay nagkakahalaga ng ilang libong dolyar.

Iginiit ng aking ina na nais niyang si G. C ang mag-ayos ng isang bahagi ng kasaysayang ito. Inabot ng ilang buwan para maingat na maibalik ni G. C ang tokador na ito sa dati niyang kalagayan. Nang matanggal ni G. C ang mga dumi, sinimulan niyang pakintabin ito - binarnisan - at ibalik ito sa dati nitong ganda.

Ikaw ang tokador na iyon - ginawa ka upang pahalagahan at alagaan. Sa halip, pinili mong mabuhay sa kulungan ng mga manok kung saan nakublihan ka ng mga dumi, balahibo at taun-taong putik. At pagkatapos ay pininturahan ka ng isang naakakasukang kulay ng isang nagmamagandang-loob na tao. Ninanais ng Diyos na tanggaling lahat iyan at malumanay at buong pagmamahal na maibalik ka sa likas na ganda ng Kanyang nilikha. Papayagan mo ba Siyang gawin ito? Nilikha ka sa Kanyang wangis upang maging bahagi ng Kanyang plano para sa panahong ito ng kasaysayan.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com