Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 8 NG 30

Ang isa sa mga nakakapagpaginhawang ehersisyong pang-araw-araw na maaari mong salihan ay ang piliing maglaan ng oras para sa pagsamba. Napakahalagang maunawaan mo na ang oras na ginugugol sa lubos na pagsamba ay magbibigay sa iyo ng kakayanang mapaglabanan ang mga bagyo ng buhay. Ang pagsamba sa Diyos habang naliligo, nagmamaneho o kahit habang naglalakad ka ay magbibigay sa iyo ng makalangit na pananaw tungkol sa iyong mga kalagayan. Ang pag-awit habang naghuhugas ng pinggan o nagtitiklop ng mga damit ay ay magbibigay ng kakaibang lukso sa iyong paghakbang at kagalakan sa iyong puso. Katulad ka ba ng ibang mga nangangayayat sa espiritwal na buhay bilang Cristiano na umaawit lamang ng pagsamba kapag Linggo? Malaking bahagi ang nawawala sa buhay mo! Magtiwala ka sa akin - hindi mo nanaising hindi maranasan ang kaluguran ng pag-aalis ng mga abo sa buhay mo, ang pagtatanggal ng kadalamhatian at pagsusuot ng damit ng pagpupuri na inilaan ni Jesus para sa iyo. Ito ang pinakadakilang pakikipagpalitan sa buong kasaysayan: ibinibigay mo sa Kanya ang iyong mga sakit at kabiguan at ibinibigay Niya sa iyo ang damit ng pagpupuri!

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com