Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 9 NG 30

Si Esther ay isang ulilang lubos na pinalaki ng kanyang tiyuhin na walang asawa, si Mordecai. Nang si Haring Ahasuerus ay nagpasyang magkaroon ng bagong asawa, ang kanyang mga tagapangasiwa ay nagtanghal ng pinakamalaking patimpalak sa kagandahan na naisulat sa buong kasaysayan.

Si Ester ang nanalo sa patimpalak ng kagandahang ito at nakuha niya ang pabor ng lahat ng nasa palasyo.

Nang ang kanyang tiyuhin na si Mordecai ay tumangging yumuko sa paanan ni Haman, isa sa mga pangunahing tagapayo ng hari, napagpasiyahan hindi lamang ipapapatay si Mordecai kundi nakatanggap pa ng pahintulot mula sa hari si Haman na ang buong bayan ng mga Hudyo ay papatayin din. Nang malaman ni Mordecai ang napakatusong balak na ito, pinunit niya ang kanyang damit at nagsuot siya ng damit panluksa at naglagay ng abo sa kanyang ulo, nagtungo sa gitna ng lungsod at doon ay malakas at buong kapaitang nanaghoy.

Sa kasamaang-palad, ang tugon ni Mordecai sa kasuklam-suklam na kalagayan nila ay maaaring siya mo ring nagiging tugon sa mga nangyayari sa buhay mo. Kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo, ginagaya mo si Mordecai at ikaw ay nagsusuot ng damit na panluksa at pagkatapos ay malakas at marubdob na nananaghoy at nagrereklamo na naririnig ka na ng buong lungsod!

Kung sa pagtahak mo sa buhay ay pipiliin mong maging makasarili at mag-asal bata habang nakasuot ka ng damit panluksa at may abo sa iyong ulo, ipagkakait mo ang pagkakaroon ng malapit na relasyon sa Hari ng mga hari! Ay, Cristiano ka pa rin naman at makakasama mo si Jesus sa kabilang-buhay, subalit ang pagkaabala mo sa iyong mga nararamdamang sakit ay magkakait sa iyo ng isang matamis na pakikipag-ugnayan sa Kanya habang narito ka sa mundo.

Nagkakamali tayo sa pag-aakalang kapag tayo'y nag-iiyak nang napakalakas ay mapipilitan ang Diyos na pakinggan tayo. Sa kabaligtaran, ang tunay na susi sa Kanyang presensya ay ang pagpapasalamat!

Nang marinig ni Reyna Ester ang panaghoy na ginagawa ng kanyang tiyuhing si Mordecai sa harapan ng kaharian, nagpadala siya ng mga bagong kasuotan kay Mordecai, ngunit ayaw niyang isuot ang mga ito. Ang Banal na Espiritu ay binigyan na rin tayo ng mga bagong kasuotan, ngunit madalas ay tinatanggihan nating isuot ang damit ng pagpupuri at sa halip ay pinipili nating lumakad sa buhay natin suot ang damit ng ating mga sakit. Batid ng Hari ng mga hari na sa Kanyang presensya lamang ang lugar ng pagkakaroon ng matagumpay na pamumuhay at ang pintuan ay nakabukas na upang ikaw ay pumasok. Sa kasamaang-palad, hindi ka makakapasok sa loob na bahagi ng Kanyang palasyo habang suot mo ang damit ng pagkabigo.

Isuot mo ang damit ng pagpupuri! Sa halip na mamilipit ka sa sakit ng emosyon ... itaas mo ang iyong mga kamay at umawit ka patungo sa Kanyang presensya!

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com