Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Wala talaga akong mahika na kasagutan sa iyong nangangalit na damdamin, ngunit mayroon akong ilang kaunawaan na mula sa Salita ng Diyos para sa iyo. Kung ninanais mo ang kapangyarihang magtagumpay at kung naghahangad kang magkaroon ng kakayahang mabuhay ayon sa pagkakalikha sa iyo ng Diyos, hihingi ka sa Kanya ng kapangyarihan. Pagkatapos mong humingi ng kapangyarihan, hihintayin mo ang kapangyarihan. Habang naghihintay ka, patuloy mong italaga ang sarili mo sa panalangin.
Ang panalangin ay nakapagpapabago sa akin. Nagiging mas mabuting tao ako kapag ako ay nananalangin. Mas nagugustuhan ako ng pamilya ko kapag ako ay nananalangin habang ako ay naghihintay. Kapag ako ay nananalangin, nakakagawa ako ng mas matalinong pagpapasya, at nagiging mas mabuti at mas mabait ako. Marahil ang dahilan kung bakit hindi mo nagugustuhan ang sarili mo sa mga sandaling nagkakaroon ka ng marahas na damdamin ay sapagkat hindi mo pa naranasan ang kapangyarihan o ang pustura ng paghihintay. Ang pinakamakapangyarihang taong kilala ko ay yaong mga lalaki at babaeng naglilingkod sa Diyos na nagnanasang maghintay habang sila ay nakaluhod. Ang pagluhod ay hindi isang di-pamilyar at mahirap na kalagayan para sa mga taong ito na bumago ng kasaysayan sapagkat naunawaan nilang ang mga taong siyang nananalangin mismo ang tumatanggap ng kapakinabangan ng kapangyarihan ng langit sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Huwag na huwag mong mamaliitin ang kahalagahan ng panahon na ginugugol mo habang ikaw ay nakaluhod, na tunay ngang magbibigay sa iyo ng kakayahang mapagtagumpayan ang iyong damdamin na hindi mo mapigilan. Ang mga damdamin ay mapanlinlang, asal-bata, at minsan ay marahas at isa sa mga pinakamakapangyarihang lakas na sumusupil sa damdamin ng isang tao ay ang panahon sa pagluhod. Ang pagpapagaling na nangyayari sa kaluluwa ng tao habang ito ay nakaluhod sa pananalangin ay walang hanggan at mahimala. Hindi ako maaaring maging katulad ni Jesus kung hindi ako magkakaroon ng panahong nakaluhod sa Kanyang presensya.
Hindi ako maaaring "kumilos" tulad ni Jesus kung walang panalangin. Maaari akong manalo sa Academy Award para sa matamis na pagngiti at pagsasabi ng magagandang pananalita habang ang puso ko ay sumisigaw at ang isip ko ay nag-iisip ng paghihiganti. Bagaman at kaya kong magsabi ng mga tamang pananalita, baka gusto mong mapansin ang usok na lumalabas mula sa aking mga tainga! Hindi ninanais ni Jesus na kumilos lamang ako nang tulad Niya, kundi ang nais Niya ay maging tulad Niya ako, at dito ay may malaking pagkakaiba. Ang pagkakaiba ay nangyayari kapag ako ay naghihintay at nananalangin sapagkat doon Siya ang nagiging Panginoong ng aking damdamin at ng aking kaisipan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Committed Siya Sa Iyo

Pagmamahal

May Power Ang Words Natin