Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Mararanasan mo lamang ang pagiging nilalang na nilikha ng Diyos kapag natanggap mo na ang kapangyarihang nilikha Niya para sa iyo. Maaari akong maging isang napaka-emosyonal na taong ang kaya lamang isipin ay ang tungkol sa sarili ko at sa kung anong nararamdaman ko. Hindi ka nilikha upang ipahayag mo ang di mo mapigilang emosyon; ikaw ay nilikha para sa bunga, para sa mabuting gawa, para sa kaharian at para sa kapangyarihan!
May dalawang natatanging parirala na binabasa natin ngayon na tunay ngang makakapagbago ng buhay at maghahanda sa iyo sa kapalaran ng iyong emosyon. Ang pariralang "Tatanggap ka ng kapangyarihan," marahil ang isa sa mga kapana-panabik na parirala sa Bagong Tipan. Makakatanggap ka ng kapangyarihan! Hindi mo kailangang umusad sa buhay mo gamit ang sarili mong kalakasan! Hindi mo kailangang makuntento sa mga damdamin at mga makalumang paniniwala na nakakapagpabigat sa iyo! Hindi ka kailanman magkakaroon ng kapangyarihan sa suliranin mo sa iyong emosyon hanggang hindi mo natatanggap ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
"... At kayo ay magiging mga saksi ko," ang ikalawang pariralang nagbibigay-sigla mula sa bersikulong ito. Ang pagtanggap mo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang nagbibigay sa iyo ng kakayanang maging ang nilalang na ayon sa pagkakalikha sa iyo ng Diyos! Kailangan mo ng kapangyarihan ng Diyos upang ikaw ay maging saksi ng Kanyang kalikasan sa panahong ito. Makatatanggap ka ng kapangyarihan at ikaw ay magiging saksi!
Hindi mo maaabot ang balak ng Diyos para sa iyo hanggang hindi mo natatanggap ang Kanyang kapangyarihan. Batid ni Jesus na hindi natin kayang mabuhay nang masagana sa mundong ito kung wala ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu kaya nga ipinagkaloob Niya ang mismong kapangyarihang ito. Natatagpuan ko ang sarili kong nananalangin ng ganitong panalangin, kung minsan ay ilang beses pa nga sa isang araw sapagkat ako'y isang babaeng napakadesperado na:
Banal na Espiritu, puspusin mo ako ng Iyong kapangyarihan! Ninanais ko ang lahat ng tinataglay Mo para sa akin, nais ko ang Iyong mga handog at ang Iyong bunga. Ninanasa ko ang Iyong kapangyarihan nang higit pa sa anumang bagay ngayon. Kung nais Mong manalangin ako para sa mga himala at para sa kagalingan, gagawin ko ito, maasahan mo! Nais ko ang lahat ng inilaan Mo para sa akin. Ninanais ko ang pagtitiyaga at pagtitimpi na kasama sa kapayapaan at kagalakan at pag-ibig. Kukunin ko ang lahat ng kapangyarihang handa Kang ibigay sa akin.
At pagkatapos ay ano ang gagawin mo? Gagawin mo ang bagay na ayaw na ayaw ng mga taong emosyonal na ginagawa - ang maghintay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Committed Siya Sa Iyo

Pagmamahal

May Power Ang Words Natin