Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 22:1-5

Mga Awit 22:1-5 RTPV05

O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan? Araw-gabi'y tumatawag ako sa iyo, O Diyos, di ako mapanatag, di ka man lang sumasagot. Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya.