Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Isang Katawan, Maraming Bahagi
Kabababa ko pa lamang ng telepono kung saan kausap ko ang aking mga magulang na nagbalita ng isang bagay na hindi ko kailanman inisip o inakalang maririnig—nagpakamatay ang kapatid kong lalaki. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil siya ang takbuhan ko sa mga panahon ng pangangailangan. Kapag may nangyayari, maganda o masama, siya ang unang taong tinatawagan ko.
Sa kabutihang palad, may isang pamayanan akong kasamang namumuhay. Tinawagan ko ang pinuno ng aming maliit na grupo, at sa loob ng isang oras, apat na mga kaibigan ko ang pumunta sa tirahan ko upang makasama ko. At ang nangyari sa mga sumunod na linggo at mga buwan ay kahanga-hanga. May mga pumunta sa akin at hinayaan akong umiyak. Ang iba naman ay sinamahan akong lumabas at ako ay pinatawa. Ang iba ay nagbigay ng pagkain. Ang iba naman ay nagbigay ng donasyong pangkawanggawa sa pangalan ng aking kapatid. Ang iba ay nagbiyahe kahit gabi upang masuportahan ako sa serbisyo sa pag-alala sa kapatid ko. Ang iba ay nilagyan pa ng pampaskong dekorasyon ang tirahan ko upang salubungin ako sa naging napakahirap na biyahe ko. Ang mga kaibigan ko ay ginamit kung anong ibinigay sa kanila ng Diyos upang kalingain ako.
Itinuturo sa Unang Mga Taga-Corinto 12 na tayo ay isang katawan na maraming bahagi. Ang Diyos ay binigyan ang bawat isa sa atin ng natatanging kaloob, mga talento, at mga kinahihiligan upang gamitin sa paglilingkod sa ibang tao. Habambuhay akong nagpapasalamat sa mga kaibigan kong ginamit kung anong mayroon sila upang paglingkuran ako sa panahon ng aking pagdadalamhati. Sa araw na ito ay nais kong hikayatin kayong tandaan na taglay ninyo ang kinakailangan upang paglingkuran ang iba at magmahal nang tulad ni Jesus sa panahon ng kanilang pinakamatinding pangangailangan.
Amanda Davis
Life.Church Tulsa
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More