Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Ang Pagiging Kaibigan
Kamakailan ay may isa akong katrabaho na gusto talagang makipagkaibigan sa akin. Sa halip na tanggapin siya sa aming grupo, hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya. Sa totoo lang, may mga panahong naging masama talaga ako sa kanya. Lumalabas kami paminsan-minsan pero iyon ay kapag kombinyente lang sa akin.
Ilang buwan ang lumipas at natuklasang may kanser ang aking ama. Hindi nagtagal at natagpuan ko ang sarili kong nasa isang bahay-kalinga sa mga huling araw ng kanyang buhay. Ang taong ito na hindi ko man lang pinapansin noon ay hindi lang ako ipinanalangin noong napakahirap na panahong iyon. Kinakausap niya ako sa telepono gabi-gabi hanggang makatulog na ako sa pagod. Ipinagluto niya ako ng paborito kong pagkain bago ako sumakay ng eroplano. Nagtipon siya ng mga ipapadala sa akin sa tulong ng aking mga katrabaho. At nang bumalik na ako sa trabaho, naroroon siya para sa akin upang kausapin ako o iyakan ko kapag kinakailangan.
Naging kaibigan ko siya bago ko pa nalamang kailangan ko nito. Pinagmalasakitan niya ako noong panahong hindi ko siya pinapansin. Minahal niya ako noong hindi ako kamahal-mahal.
Akala ko ay alam ko na kung anong ibig sabihin ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Akala ko ay nauunawaan ko na kung paano ang pagmamahal ni Jesus sa atin. Nagkamali ako. Sa kung anong dahilan, inisip kong maaari kong pagtrabahuhan ang walang-pasubaling pag-ibig. Tulad halimbawa, kung magsisimula tayong ibigin ang mga tao ng may kondisyon at kapag naging maayos ito, dadating ang panahon na magiging walang-pasubali na ito. Ngunit hindi iyan ang paraan ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Namatay Siya para sa atin kahit noong mga makasalanan pa tayo. Nakita ako ni Jesus na karapat-dapat sa pagmamahal kahit na hindi ako nararapat para dito. Minahal Niya ako nang walang kapalit sa simula pa lamang, at ganoon din Niya ako tinatawag upang mahalin ang ibang tao.
Ang kaibigan kong iyon ay minahal ako tulad ng pagmamahal ni Jesus. Nais kong magmahal nang ganoon.
Sam Simala
Life.Church Wichita
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More