Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Ginawa Mo Para sa Akin
Isang malamig na gabi ng Pebrero noong narating namin ang lugar namin. Sa tabi ng kalsada ay may nakaupong isang batang babae, humahagulgol, nakasuot ng maikling kamiseta at shorts. Tumigil kami sa tabi at lumabas ako habang papalapit sa babae at nagsabi, "Paano kita matutulungan?"
Pabulong niyang sinabi, "Pinalayas niya ako. Buntis ako at pinalayas ako ng kasintahan ko."
Habang nag-iisip ako ng sasabihin, ang tanging nasa isip ko ay, Tao siya. Pahalagahan mo siya.Kaya tinanong ko siya, "Anong pangalan mo?
“Brittney.”
Sumagot ako, "Ikinagagalak kong makilala ka, Brittney. Gusto mo bang makisakay hanggang sa pupuntahan mo?"
"Oo, ang lola ko ay nakatira malapit lang dito," ang sabi niya.
Naglakad kami patungo sa sasakyan, at ang asawa ko ay umupo sa likod kasama ang dalawa naming mga anak – na nanlalaki ang mga mata at nakabukas ang mga bibig. Parang walang anumang nangyari, ipinakilala ko ang aking pamilya kay Brittney na parang ilang taon ko na siyang kakilala.
"Brittney, okay lang ba sa iyo kung ikukuha kita ng damit? Pwede akong kumuha sa bahay namin."
"Oo, nilalamig nga ako."
Nagmaneho ako papunta sa bakuran namin at pumasok sa aming bahay. Sa aking pagkagulat, sumunod sa akin si Brittney. Kumuha ako ng blusang mahaba ang manggas, ng pantalon, at tsinelas. Ibinigay ko sa kanya ang mga damit, at pumunta siya sa banyo para magpalit ng damit.
Pagkatapos ay inihatid namin siya sa lola niya at ninais na maging maayos siya. Sa aming pag-uwi, nagtanong ang aking mga anak kung anong nangyari, at sinabi ko lang na, "Sigurado akong iyon ang gusto ni Jesus na gawin natin." Sumang-ayon sila, at lumipas ang magdamag.
Nang sumunod na araw, nagbabasa ako ng aking debosyonal nang tila tumalon mula sa pahina ang mga kataga, "Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan." Bumilis ang tibok ng aking puso habang inaalala ko ang mga pangyayari nang nagdaang gabi.
Ang mga pagkakataon upang magmahal tulad ni Jesus ay maaaring mangyari anumang oras, kahit saan. Maaari nating mahalin ang isang hindi natin kilalang tao na nasa kalye na tulad ng pagmamahal ni Jesus kahit hindi natin banggitin ang Kanyang pangalan. Kapag nakatagpo ni Brittney si Jesus, dalangin kong malaman niyang Siya ang nakatagpo niya sa daan papunta sa bahay ng lola niya isang malamig na gabi ng Pebrero.
Tasha Salinas
Life.Church Midwest City
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More