Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Tulad ng Pagmamahal ni Cristo sa Simbahan (Bahagi 1)
Noong bata pa ako, pinangarap ko ang magiging kasal ko—simula sa cake, sa damit, at maging sa lalaking mapapangasawa ko. Kapag pinapangarap mo ang tungkol sa espesyal na araw mo, hindi mo iniisip ang mga pagsubok na darating pagkatapos ng araw na iyon.
Bago ako isinilang, ang ina ko ay nasuri na may malalang kaso ng sakit sa buto. Ang bawat araw ay isang pakikibaka para sa kanya. Pinili ng aking amang mahalin at paglingkuran siya araw-araw. Minsan ito ay simpleng pagluluto ng kanyang almusal o pagtulong sa kanyang itali ang sapatos niya. Gaano man kahirap ang gawain, minahal ng aking ama ang aking ina. Maraming taon ang lumipas, nakita ko ang aking amang paglingkuran ang aking ina sa bagong pamamaraan noong ito ay matuklasang may Hodgkin's Lymphoma. Ginugol ng aking ama ang kanyang mga araw na minamahal, pinaglilingkuran, at ipinapanalangin siya. Hindi ko pa kailanman nakitang ganoon kapagod ang aking ama sa pisikal at sa espirituwal, ngunit nagpatuloy siya. Ito ang kanyang pangako kay Cristo at sa aking ina na rin.
Noong kakakasal pa lamang naming mag-asawa, may kinaharap kaming maseselang pagsubok na hindi dapat hinaharap ng kahit na sino sa kanilang buhay may-asawa. Ang isang gawaing dati rati ay nagdadala sa amin ng kagalakan ay nagdudulot ng sakit at luha ngayon. Sa tuwina, natutulog akong umiiyak. Ang sakit, kawalan ng malapit na ugnayan, at ang pakiramdam na ako ay bigo bilang isang asawa ay naglagay ng harang sa amin.
Napakahirap na panahon iyon na umabot ng mga taon na hindi namin alam pareho kung ito ay magtatapos pa. Nanatili ang asawa ko sa tabi ko. Isinaisangtabi niya ang bawat masakit na nadarama niya at piniling mahalin ako sa kinaroroonan ko. Minahal niya ako sa gitna ng sakit at mga luha. Ngayon, minamahal pa rin niya ako. Sinasabi ng mga taong ang mga babae ay humahanap ng mapapangasawa nilang nagpapakita ng parehong uri ng katangian tulad ng kanilang mga ama. Ngayon higit kailanman, nagpapasalamat ako na natagpuan ko ang aking soulmate na nagmamahal tulad ng aking ama at nagmamahal tulad ni Jesus.
Shelley Martin
Life.Church IT Team
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More