Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Pagmamahal sa mga Hindi Kaibig-ibig
Ayon sa pamantayan ng iglesia, mukhang maayos naman ako. Ako ang taong "nagmamahal sa mga makasalanan, kinamumuhian ang kasalanan" hanggang dumating ang araw na kailangan kong isagawa ang kasabihang ito. Hayan na, ang buhay ko ay biglang nagwala dahil sa malalim na pagtataksil. Kailangan kong mamili: talikuran ang relasyong ito o mahalin ang isang taong walang pakialam sa kirot na idinudulot niya sa akin, na walang pagsisisi o planong pagbabagong nakikita.
Hinanap ko ang Diyos nang matindi para sa karunungan. Anong dapat kong gawin? Sa sandaling iyon ay may inihayag sa aking ang Diyos—ang puso ng taong nagtaksil sa akin. Ang kasabihang "ang taong nasaktan ay nananakit ng tao" ang siya mismong nangyari. Ang taong ito ay lubhang naliligalig. Sa kasamaang palad, hindi niya alam kung anong gagawin niya o kung saan niya dadalhin ito, kaya sa akin niya inilabas ito.
Isang nakakatawang bagay ang nangyayari kapag sinisimulan nating tumuon sa puso ng iba sa halip na sa kanilang pag-uugali. Nagiging mas mahabagin tayo—katulad ni Jesus. Kagyat, hindi na ito tungkol sa akin at kung paano ako nasaktan. Sa halip, ito ay natutuon sa mga paraan kung paano silang mamahalin sa kanilang mga kirot.
Naniniwala akong ito ang sinasabi ni Jesus sa Kanyang makapangyarihang Sermon sa Bundok. Napakadaling mahalin ang mga taong mabait sa atin. Kahit ang mga hindi mananampalataya ay ginagawa iyan. Malamang, hindi sila ang higit na nangangailangan ng pagmamahal. Sa totoo lang, maaaring iyon ay ang katrabaho mong sinisiraan ka kapag nakatalikod, ang sinungaling mong asawa, ang rebeldeng kabataan, o ang nakakainis na serbidor noong pananghalian. Ang lakbayin patungo sa pagmamahal na tulad ni Jesus ay nakapagpapabago ng buhay. Ito ay ang pagmamahal na ang nasa isip ay ang pang-walang hanggan. Ito ay isang pakikipagsapalaran, pero sulit naman!
Shannon Morrison
Life.Church South Oklahoma City
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More